Advertisers
LAKI sa layaw si BBM. Sapagkat spoiled brat, lumaki na may kutsarang pilak sa bibig si BBM. Isang batang paslit si BBM nang nahalal ang ama na si Ferdinand noong 1965. Nang nagbinata, isang diktador ang ama na nagpahirap sa bansa. Walang pakialam si BBM sa mga pahirap sa bansa ng ama. Hindi niya alintana kung anuman ang sapitin sa kamay ng abusadong ama. Lumaki siyang iresponsable at walang mithiin sa buhay.
Dahil sa labis na kapangyarihan ng amang diktador, hindi sinagot ni BBM ang responsibilidad sa bayan. Hindi siya nagbayad ng buwis mula 1982 hanggang 1985. Ito ang mga panahon na pabagsak na ang diktadura ng kanyang ama. Hinabol ng sumunod na gobyerno at kinasuhan ng tax evasion. Napatunayan siyang nagkasala sa batas at inobliga na bayaran ang back taxes kasama ang interes.
Ipinangalandakan kamakailan ng kanyang kampo na binayaran ni BBM ang buwis kasama ang interes. Ito ang tangi nilang ganting katwiran sa mga batikos at puna. Pinilit niyang linisin ang pangalan. Sa kanyang apela sa Court of Tax Appeals (CTA), hindi pinagbigyan si BBM. Kabaligtaran ang nangyari.
Kinumpirma ng CTA ang kasong tax evasion na unang ibinaba ng mababang hukuman. May presidential decree ang kanyang ama na dahilan ng diskwalipikasyon habambuhay ang hindi pagbabayad ng buwis ng mga kandidato sa anumang puwesto sa gobyerno.
Ayon sa kanyang kampo, na walang krimen si BBM dahil binayaran niya ang buwis na naging dahilan upang kasuhan siya ng tax evasion. Hindi napigil ang mga petisyon na kanselahin ang kanyang inihain na certificate of candidacy (CoC) sa panguluhan sa Commission Elections. May walo o siyam na nagpetisyon na diskwalipika ng Comelec si BBM.
Kapag nangyari ang kanselasyon o diskwalipikasyon, tuluyang hindi makakatakbo si BBM sa panguluhan. Buburahin ang kanyang pangalan sa balota. Hindi siya magiging pangulo ng bansa na may populasyon na 110 milyon.
Ipinangangalandakan ng kampo ni BBM na hindi crime on moral turpitude ang kasong tax evasion ni BBM. Imposible sapagkat paano niya pamumunuan ang mahigit 110 milyon na Filipino kung hindi siya huwaran sa pagbabayad ng buwis?
Buwis ang buhay ng kahit anong bansa. Hindi pinapatakbo ng maayos ang bansa kung walang sapat na nakolektang buwis.
Hindi sinusunod ang mga tao sa pangulo kung ang pangulo ay iresponsable, lumalabag sa batas, at hindi nagbabayad ng buwis. Isa itong problema ni BBM dahi hindi naipaliwanag sa bayan ang pagiging iresponsable. Hindi marunong magsalita si BBM sa harap ng madla.
Mahihirapan si BBM na lusutan ang mga petisyon laban sa kanya sa Comelec. Mabigat ang paratang at hindi nasasagot ni BBM ng maayos ang mga bintang na hindi siya karapat-dapat na maging pangulo dahil iresponsable siya.
Maari siyang lumaban hanggang gusto niya ngunit hindi nangangahulugan na basta mawawala na lang ang bintang na hindi siya nagbabayad ng buwis. Minsan siyang nagkasala sa lipunan sa hindi pagbabayad ng buwis at pagtalikod sa bansa
***
KUNG tatanungin si Roly Eclevia, hindi ang sambayanan ang dumalo sa motorcade ni BBM at Sara sa Kyusi. Mga propesyonal na rallyista na walang hangad kundi kumolekta na bayad sa mga nag-organisa ng rally. Hindi sila dapat dinggin Pakibasa:
Professional rallyists, not Marcos-Duterte supporters
It is inaccurate to describe the caravan that created a horrendous traffic snarl on Commonwealth Avenue in Quezon City yesterday, Dec. 8, as a spontaneous display of political support for the Marcos-Duterte tandem.
All rally participants, men and women alike, were wearing the same red shirts emblazoned with the names of the two candidates. It was an indication that the organizers had supplied them with the outfit.
The rallyists were recruited from Quezon City’s Holy Spirit, Batasan Hills, and Payatas.
Providing the warm bodies for all kinds of political actions is a cottage industry in these slum communities, the largest in all of Metro Manila.
The cause does not matter, for as long as the people get paid.
It is from them that Dick Gordon recruited people to man his barricades at the Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) more than three decades ago.
Then-President Joseph “Erap” Estrada had ordered the relief of Mr. Gordon and his replacement by Felicito Payumo.
It took the entire might of Region III police force to rid the former naval base of the professional rallyists and drag Mr. Gordon out of the former naval base kicking and screaming.
Mr. Gordon also made use of the inhabitants to rally behind Vice President Gloria Macapagal-Arroyo, who was poised to take over the government following widespread demonstration over Mr. Estrada’s corruption, incompetence, and drunkenness.
He got what he aimed for, a Cabinet position—as Tourism secretary–under the newly installed Mrs. Macapagal-Arroyo.
Now it is Mr. Marcos’s turn.
There is no attempt here to belittle slum denizens. It is just a fact of life that their poverty and ignorance make them vulnerable to the exploitation of politicians.
***
MGA PILING SALITA: “Please do not equate the heavy traffic to big crowds. We all know na even konting bangga lang in these highways will cause a monstrous traffic. Caravan pa kaya? Kahit pa si Ka Leody ang mag caravan. They chose that highway to create that much-needed illusion.” – Mac Zamora, netizen
“Akala ng mga tsonggo, malakas sila dahil nagkatrapik-trapik sa Commonwealth kahapon. Hindi alam na malakas silang mang-inis.” – PL, netizen
“HINDI na sila natuto at nagbago. Hanggang ngayon, abusado pa rin sila. Akala nila panahon ng diktadura ni Marcos at magagawa nila ang bawat gusto nila. Abusado pa rin. Teka nga pala, noong panahon ng diktadura, reporter ako noon. Kapag matindi ang traffic jam dahil sa anumang mass action, nagmumura ang mga tao. Hindi sila natuwa. Hindi natutuwa ang mga tao sa sobrang trapiko na dala ng kanilang motorcade. Abusado pa rin sila tulad ng dati.” – Archie Mendoza, netizen