Advertisers

Advertisers

Pangatlong kaso ng Omicron variant sa Pinas naitala ng DOH

0 208

Advertisers

SINABI ng Department of Health (DOH) na naitala na ang ikatlong kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang third case ng Omicron ay isang returning Filipino mula sa Qatar, na may travel history sa Egypt.

Dumating aniya ang 36-taong gulang na lalaking pasyente noong Nobyembre 28 sa Mactan-Cebu International Airport lulan ng Qatar Airways flight QR 924.



Nananatili umanong asymptomatic umano ang biktima simula noong dumating siya sa bansa.

Ang kanyang sample ay nakolekta noong Disyembre 4 at nailabas ang resulta nito ng sumunod na araw.

Nagnegatibo ang kanyang RT-PCR test noong Disyembre 19.

“He completed his isolation in Cebu before traveling back to Cavite, his hometown, and immediately underwent home quarantine,” ani Vergeire sa mga reporters nitong Lunes.

Sa ngayon ay natapos na umano nito ang kanyang home quarantine. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">