Advertisers

Advertisers

CONGRESSMAN, MAYOR AT EX-MAYOR SUGATAN SA SNIPER SA X’MAS PARTY!

0 406

Advertisers

CAGAYAN DE ORO CITY – Sugatan ang tatlong top political provincial candidates nang tamaan ng bala mula sa snipers habang nasa kasagsagan ng Chrismas party sa Tangub City, Misamis Occidental, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ni Tangub City Police Station commander, Major Gerard Paul Duran, ang mga biktima na sina incumbent Lopez Jaena mayor Michael Gutierrez na tumatakbong bise-gobernador; dating Oroquieta City mayor Jason Almonte na kumakandidato bilang kongresista sa unang distrito ng lalawigan; at Congressman Henry S. Oaminal.

Ayon kay BGen. Benjamin C Acorda Jr., PRO-10 Regional Director, 8:45 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa Sitio Pulao, Barangay VII, Tangub City, Misamis Occidetal.



Sinabi ni Duran na habang nasa kalagitnaan ng kasiyahan ang political lineup ni Misamis Occidental 2nd District Rep. Oaminal na tumatakbong gobernador ng probinsya, bigla na lamang may tumamang hindi pa matukoy na uri ng bala sa lokasyon nila na naging dahilan para tamaan sa likurang bahagi ng leeg ni Gutierrez at Almonte sa loob ng conference room.

Tinamaan ng bala sa ulo si Gutierrez at Almonte habang nagtamo ng galos si Oaminal.
Ligtas si Oaminal at ang kanyang anak na isa rin abogado, habang binigyan ng karagdagang medikasyon si Gutierrez na inilipat sa isa pang ospital ng Ozamiz City.
Haharapin ni Oaminal sa pagka-gobernador si incumbent Misamis Occidental Gov. Philip Tan na dati nitong kaalyado sa politika sa probinsya.

Magugunita na nasa panig ng Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio si Tan, samantalang si Oaminal nakalinya naman sa PDP-Laban Cusi faction ni President Rodrigo Duterte.

Tumutulong ang Provicial Mobile Force Company ng Misamis Occidental at Regional Mobile Force Battalion Regional Office 10 sa Local Police sa pagsasagawa ng check point sa Tangub City.

Kaugnay nito, inatasan ni PNP Chief, Gen Dionardo Carlos si Acorda Jr., na bumuo ng Special Investigation Task Group (SITG) upang pangunahan ang masusing imbestigasyon hinggil sa insidente.



Pinatitiyak rin ni Carlos ang seguridad at kaligtasan ng tatlong pulitiko habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisyasa insidente.(Mark Obleada)