Advertisers

Advertisers

Barangay Old Balara residents hinaharass!

0 1,929

Advertisers

MADALING-ARAW sa kasarapan ng tulog ay nabulabog ang mga residente sa isang lugar ng BARANGAY OLD BALARA, QUEZON CITY nang bumulaga ang mga armadong guwardiya at ilang sibilyan na pinaghaharass, pinagtatakot at pinalalayas na ang mga ito dahil ang lugar ay gagamitin na umano ng tunay na nagmamay-ari.

Bunsod nito, ang mga residente ng DON ANTONIO ST. VILLA BEATRIZ, BRGY. OLD BALARA ay nagpasaklolo sa PRESIDENTIAL COMMISSION FOR THE URBAN POOR (PCUP) para mamagitan sa kinakaharap nilang suliranin laban sa nagpapakilalang nagmamay-ari sa lugar na kinatitirakan ng kanilang mga bahay.

Agad namang umaksyon ang PCUP, sa pamamagitan nina MR. DENNIS PROTACIO at MR. KREEGER BONAGUA ng FIELD OPERATIONS DIVISION FOR NCR (FOD-NCR) at nagtungo sa lugar para magsagawa ng monitoring and validation activity.., gayundin para mapahupa ang nagaganap na komosyon sa pagitan ng mga residente at ng mga tauhan. Giit nila, dapat ay magdemanda muna ang nag-aako ng lupa bago ang anumang aktibidad ng pagpapaalis. May mga ligal at wastong proseso rin na kailangang pagdaanan.



Ipinatawag din ni PCUP CHAIRPERSON at CEO, USEC. ALVIN FELICIANO ang mga apektadong pamilya para sa isang consultation and dialogue kasama ang Legal Team ng Komisyon at mabigyan ng agarang solusyon ang kinakaharap nilang suliranin sa paninirahan gayundin ay magkaroon pa ng mas malalim na imbestigasyon patungkol sa kaso.

Ayon sa salaysay ng mga nasabing residente, sa 20 taon nilang paninirahan sa lugar ay biglang may mga armadong kalalakihan ang sumulpot sa kanilang lugar noong December 14 alas,-3:00 ng madaling-araw at sapilitan silang pinapaalis sa kanilang lugar.



Inaalok din umano sila ng pera para lisanin ang kanilang mga kabahayan ngunit kanila itong tinanggihan dahil alam nilang hahantong lamang sa tuluyang pagkawala ng kanilang mga tirahan.

Dagdag pa nila, naapektuhan na rin umano ang hanapbuhay nila dahil sa pangamba at takot na dala ng mga armadong tauhan na nagpapakilalang may-ari ng lupa.., kaya lumapit na sila sa PCUP para humingi ng tulong na alisin ang presensya ng mga gwardiya sa lugar para na rin sa kanilang kapanatagan.



Inihayag naman ni USEC. FELICIANO na patuloy sa pagsasagawa ng pagsisiyasat ang kanilang ahensiya ukol sa suliranin ng mga residente.., dahil hindi makatarungan at labag umano sa batas ang nangyaring panghaharas lalo na’t hindi naman awtorisado at walang permit mula sa barangay o kahit sa alinmang sangay ng pamahalaan ang mga tauhang nagpasimula ng pagpapaalis.

Bukod dito ay tiniyak ni USEC. FELICIANO na kanilang pagtutuunan ang problema ng mga residente ng DON ANTONIO ST., VILLA BEATRIZ para sa seguridad ng mga ito laban sa panghaharass ng nagpapakilalang nagmamay-ari sa lugar.

Kaya mga ka-ARYA.., kung kayo ay nahaharap sa ganitong katulad na mademolish ang mga pamamahay ay huwag po kayong mag-atubili na magpatulong sa PCUP para sa seguridad ng inyong mga pamilya!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig. kaibigang Jess Malabanan.