Advertisers

Advertisers

2 bebot miembro ng rent tangay/sangla arestado

0 1,076

Advertisers

Naaresto ng mga elemento ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang dalawang babae miyembro ng Rent-Tangay/Sangla sa isinagawang entrapment operation sa Sta Mesa, Manila.

Kinilala ang mga suspek na sina Beatrice Pia White y Espina alias Janelle M. Consinji, asawa ng isang sikat na PBA player; at Efcel Reyes y Nonay alias Christine Martinez.

Ayon kay LtCol Joel Manuel A. Ana, Chief ng Special Operation Division- Highway Patrol Group (Task Force Limbas), 5:00 ng hapon ng isinagawa ang entrapment operation sa Sta Mesa, Manila.



Isinagawa ang operasyon base sa reklamo ng isang Manuelito Larin nang hingan ito ng P 80,000.00 kapalit ng pagsosoli ng nirentahan sasakayan na mga suspek.

Niretanahn ng mga suspek ang Mitsubishi Mirage model 2019 na may Conduction Sticker no B4W178 at hindi na umano ito binalik sa may-ari. Ang nasabing sasakyan isinanla ng mga suspek sa isang buyer na miyembro ng isang syndicate na “Technical Carnapping/MV Fraud Schemes na nakilalang si Christopher Lapid ng Quezon City.



Binantaan ng mga suspek ang si Larin na kung hindi ito magbibigay hindi na nito mababawi o makukuha ang nasabing sasakyan.

Sinabi ni Ana na ang dalawang mga suspek miyembro ng isang sindikato na sangkot sa MV Fraud Schemes o Technical Carnapping (Rent-Tangay/Sangla; Pasalo-Benta; LABAS-CASA-TALON, etc) na nag-o-operate sa Merto Manila, Region 3 at Region 4A kabilang sa Visaya at Mindanao.



Nasa custodiya ng SOD-HPG (Limbas) Headquater sa Camp Crame, Quezon City ang dalawang suspek at sinampahan ng kasong paglabag saArt. 294 of RPC (Robbery/Extortion) and Sec. 4 (Concealment of Carnapping) ng R.A. 10883 or New Anti-Carnapping Law of the Philippines and Art. 178 (Using Fictitious Name and Concealing True Name) of RPC sa Manila City Prosecutor office.(Mark Obleada)