Advertisers

Advertisers

Misis dinaliri ng katoma ni mister

0 255

Advertisers

Arestado ang 31-anyos na lalaking bodegero ipasok ang daliri sa ari ng asawa ng kainuman nito habang natutulog sa bayan ng Balagtas, Bulacan.

Kinilala ang suspek na si Marvic Saballegue, binata, warehouse staff, residente ng Brgy. Pulong Gubat, habang ang biktima itinago sa pangalang Nel, 29, ng Brgy. Santol.

Sa ulat, naganap ang insidente 1:00 ng madaling araw nitong Linggo, sa bahay ng biktima.



Ayon sa imbestigasyon, nagkasarapan sa inuman ang kanyang asawa at ang suspek hanggang sa abutin ng hatinggabi sa kanilang bahay.

Nang magkalasingan at dahil sa alanganing oras na, napagkasunduan ng mag-asawa na sa kanila na lamang patulugin ang suspek.



Sa kasagsagan ng mahimbing na pagtulog ng biktima, nagising ito nang maramdaman na may pumasok na daliri sa kanyang pagkababae.

Laking gulat niya nang magising at makita ang suspek habang nakapasok ang daliri nito sa kanyang ari kaya napasigaw at humingi ito ng saklolo.



Dahil dito, nagising ang kanyang mga kaanak sa lugar hanggang magsumbong sa mga awtoridad kaya nahuli ang suspek.

Kasalukuyang nakakulong sa Balagtas police station ang suspek na nahaharap sa kasong rape at nakatakdang sumailalim sa medico legal examination ang biktima.