Advertisers
SA kabila ng ipinatutupad na kautusan ng national government patungkol sa mahigpit na alert level na IPINATUTUPAD sanhi nang biglang pag-spike sa bilang ng hawahan dulot ng Omicron variant ng Covid-19, tila di ito alintana ng mga malditang alipores ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles.
Apat kasi umano sa mga amiga at kumareng putik ng lady mayor ng nasabing siyudad ang certified gambling operators at maintainer ng peryahang may halong sugal sa nasabing lugar.
Ang apat (4) na umano’y super lakas kay Mayora Cristy Angeles ay sina alyas Jeng , Senyang, Apong Glo at isang di tinukoy na kumare umano ng babaeng alkalde.
Bukod sa color games at drop ball, may saklaan pa umano ang apat na Maria na binansagang Four Roses ng Tarlac City.
Inutil ang kapulisan ng Tarlac City dahil na rin sa pangalan ni Mayora Angeles ang mismong nakabandera at ipinagmamalaki ng apat na Talipandas na ito.
Natatakot ang mga residente ng Tarlac City na ang operasyon ng mga pasugalang ito ng Apat na Rosas ay posibleng maging “super-spreader ng Corona virus dahil sa kapal ng taong dumarayo sa nasabing pergalan.
Hindi lamang umano sa Tarclac City nakalagay ang mga puwesto pijo ng apat na Talipandas kundi sa buong lalawigan ng Tarlac.
Pati umano pangalan ni Governor Susan Yap ay kaladkad rin ng apat na kupaling babaeng ito na tagapagpalaganap ng iligal na sugal sa nasabing lalawigan.
Base na rin sa sumbong sa atin ng mga residente ng Tarlac City, regular umanong kasama ni Mayora Cristy Angeles sa city hall at sa tahanan nito ang dalawa sa tinaguriang FOUR ROSES na sangkot sa illegal gambling activities na sina JENG at SENYANG na patunay na talagang sanggang-dikit ang mga ito at protektado ni Mayora Cristy.
Kaya naman pala walang magawa ang kapulisan ng Tarlac City sa mga pergalan at saklaan ng FOUR ROSES.
Maging ang Tarlac Provincial Police Office ay walang kamandag para ipatigil ang pamamayagpag ng mga iligal na gawain ng FOUR ROSES.
Kung ganito katindi ang koneksyon at padrino ng mga pasimuno ng iligal na sugal sa siyudad ng Tarlac, marahil ay dapat nang makialam sa problemang ito ang pamunuan ng DILG ni Sec. Eduardo Ano.
Hindi lamang paglabag sa illegal gambling (1602) ang kaso ng untouchable FOUR ROSES ng Tarlac City at ni Mayor Cristy Angeles kundi direct breach sa health and safety protocols ng IATF at ng Health Department.
Tingnan natin kung hanggang sa tanggapan ni DILG Sec. Ed Ano ay may mga galamay pa rin at “PATONG” ang pamosong FOUR ROSES ng Tarlac City.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com