Advertisers
Ni WALLY PERALTA
PAGKATAPOS halos ng mahigit na 25 years ay muling nagsama sa isang pelikula ang dating magsyotang Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez, sa mystery drama thriller movie na “Deception” ng Vivamax.
Sa tagal na rin halos na hindi sila gumawa ng proyekto at may kanya-kanya na silang buhay, kumusta naman kaya ang naging samahan nina Claudine at Mark Anthony nang ginagawa nila ang reunion movie nilang “Deception”?
“Ang gustung-gusto ko kay Claudine, naging independent woman siya, ’yon ang napansin ko,” say Mark.
“Working with Mark is very easy, and we really have a good rapport,” sabi naman ni Claudine patungkol kay Mark.
Inamin din ni Claudine na matagal na talaga raw na plano nila ni Mark Anthony na magsama muli sa isang pelikula pero natagalan maisakatuparan ito dahil wala raw silang makitang akmang istorya para sa reunion movie nila.
Hanggang sa dumating nga ang alok ng Vivamax with Joel Lamangan as their director, grab agad ng dalawa ang offer.
“Matagal na ang planong reunion namin ni Mark but we can’t find the right material. Hanggang sa heto, nakahanap ng magandang script through Direk Joel. Natagalan but it turns out this is the best project for us kasi it’s beyond the romcom genre. It’s a dramatic suspense-thriller that comments about the justice system in our country” say pa rin ni Claudine.
Produced by Viva Films and Borracho Film Production, Deception can be streamed exclusively this January 28 on VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, Europe, Canada and the United States.
***
AYANNA TYPE ANG OLDER GUYS
SA launching movie ng baguhang sex nymphet na si Ayanna Misola, ang “Kinsenas Katapusan” ay mga veteran actor ang kanyang mga kapartner, at isa na rito ay si Joko Diaz na kung susumahin ay parang ama na rin naman niya ang agwat ng kanilang edad.
Walang kiyeme si Ayanna sa sexy scenes nila ni Joko, todo bigay ika nga. Sa totoo kayang buhay keri rin ni Ayanna na bumigay o magmahal sa isang lalakeng parang ama na niya ang agwat ng kanilang edad?
“Why not? Ang totoo, I really love older guys kasi ang feeling ko, mas seryoso at responsible sila sa isang relationship,” say ni Ayanna.
Hindi rin inaakala ni Ayanna na too much too soon ang magiging launching movie niya. Halos 2 palang ang kanyang nagawang pelikula na magkasunod pa halos na ipinalabas, ang “Pornstar 2” at ang “Siklo”, heto at pinagkatiwalaan na agad siya ng Viva Films na bigyan ng isang launching movie, ang “Kinsenas Katapusan”.
“Sobrang nagulat ako when Vivamax told me that I’d be playing the lead role in ‘Kinsenas Katapusan’. Kasi bago pa lang ako, two movies pa lang ang nagawa ko.
Tapos, sa’kin naka-focus ang story, so I was afraid baka hindi ko pa kaya. But they assured me tutulungan nila ako so sabi ko, sige, let’s do it,” say pa rin ni Ayanna.
Aminado rin si Ayanna na malaking tulong si Joko sa kanya para maitawid niya nang maayos ang kanyang mga eksena pati na rin ang love scenes nilang dalawa.
“Hindi ko magagawa nang nag-iisa ang role ko at ginabayan nila talaga ako all the way. Si Kuya Joko, kapag alam niyang kinakabahan ako, nagjo-joke siya para ma-relax ako, lalo sa bed scenes namin,” dagdag pang sabi ni Ayanna.