Advertisers

Advertisers

Eric, Epy at Vandolph, inspirasyon ang amang si Dolphy sa pagpapatawa

0 182

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

BALIK sa pagdidirek ang magaling na aktor-director na si Eric Quizon sa pinakabagong gag show na “Quizon CT” na palabas na sa Net-25.

Aniya, excited daw siya sa bagong show dahil reunion nila ito bilang Quizon brothers.

“It’ s been a while since magsama kami.Naging busy kasi kami sa iba’t ibang endeavors namin. Pero noon pa man, napag-usapan na namin na gumawa ng show, kaya lang maraming nangyari dahil sa pandemic,” ani Eric.

Pagbabahagi pa niya, pinag- pitch daw sila ng iba’t ibang concept ng nasabing network.

“Marami kaming prinesent, my sitcom, my gag show at ito iyong nagustuhan nila,” sey niya.

Ang kapatid daw niyang si Epy Quizon ang kanyang co-director sa pinag-uusapang comedy gag show ng bayan.

“Nagkasama kasi ni Epy noon sa travel show na “Road Trip” so sabi ko, it’s about time na rin na magdirek siya,” bulalas niya.

Ayon naman kay Epy, nasa bisyon daw nila na maging consistent ang show sa klase ng humor ng kanilang namayapang amang  si Dolphy.

“It’s actually clean fun. Something na mae-enjoy ng buong pamilya,” sey ni Epy.

Hirit naman ni Vandolph, naging bonding opportunity din daw ang show para sa Quizon brothers.

“It’s actually a collaborative effort para sa lahat. Lahat may contribution,” hirit ni Vandolph.

Pati nga raw ang misis niyang si Jenny ay isang rebelasyon sa gag show na kung tutuusin ay kuwela raw naman sa tunay na buhay.

Ayon naman sa Net-25 executive Caesar Vallejos, natutuwa siya dahil ang gag show ang isa sa mga top-raters ng kanilang network mula nang mag-premiere ito noong Enero 9.

Ang Quizon CT na hitik sa nakakaaliw na jokes at punchlines ay mapapanood tuwing Linggo sa ganap na 8:00 ng gabi sa Net-25.

Tampok din sa gag show sina Martin Escudero, Bearwin Meily, Gene Padilla, Garry Lim, Tanya, Charuth at Billie Hakenson.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More