Advertisers

Advertisers

Julia proud sa Rolex watch na gift ng labs na si Gerald

0 62

Advertisers

Ni BETH GELENA

UMANI ng batikos si Korina Sanchez sa kanyang  post na very thankful siya dahil sa dinami-daming personalidad na nagpositibo sa COVID-19 nitong pagpasok ng 2022.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Korina ang kanyang pasasalamat sa Panginoon na hindi siya tinatamaan ng COVID sa kabila ng pagtaas ng kaso.

Sa unang post ng caption ni Korina ay ito ang nilalaman.

“IMAGINE. Lahat nagka covid na. Ako never pa. And Im ALL OVER. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase dami ko tinutulungan?”

Miscalculated words.daw ang sinulat ng beteranang broadcaster-journalist.though patanong naman daw ang kanyang mga natulungan.

Binago ng TV host.ang kanyang caption

Tinanggal na niya ang tungkol sa kanyang tinutulungan.

“Thank you Lord. So many sick and infected. Ive never been positive—- even as Im all over for work I have to do. Frontliner pa ako ngayon sa househelp and driver ko. Help me help others through this pandemic. Kaya natin ito.”

Nilinaw din niya na hindi naman ibig sabihin nagkulang o hindi blessed ang nagkakasakit.

Hindi daw ibig sabihin nagkulang o hindi blessed ang nagkakasakit.

“Ano ang koneksyon. Thanks. baka sensitive lang sila. OR MGA TROLLS as I discover.”

***

HAPPY si Sharon Cuneta dahil negatibo siya sa resulta nang dumaan  sa Antigen test.

Pero nalulungkot siya dahil ang aspiring Vice President niyang mister na si Kiko Pangilinan ay positibo naman sa PCR test nito.

Sa socmed ng Megastar ay ibinahagi niya ang test result nila sa COVID.

Pagbabahagi ng Megastar: “Somehow… last night, I tested negative on my Antigen. Kiko tested positive on his PCR test results. This morning, all of us at home tested negative on Antigen. A couple of days or so, to see this morning’s PCR test results — all of ours.  We are all isolating in different parts of our home. I worry for my children. Please pray for us all, including our beloved Yayas.  Thanks so much. So not the birthday gift i expected! Keep safe and take good care, everyone. I love you. May God Bless Us All”

Wala talagang pinapatawad ngayon ang pandemyang pumapaloob hanggang ngayon sa ating bansa.

Imagine, kahit mga malalaking personalidad — artista man o pulitiko ay tinatamaan ng COVID.

Kung tutuusin mas masahol.pa siya nung nagdaang unang taon (2020) although mas maraming nababahala noon dahil wala pang bakuna ang mga tao, pero ngayon ay mas naaagapan naman daw agad dahil aware na ang mga tao kung papano ang unang dapat gawin once na nalarma sila sa kanilang pangangatawan.

Mas matindi raw kasi ang Omicron madaling makahawa, pero madali lang din daw maresolbahan basta’t susundin lang ang proseso na laging pinapaalala ng gobyerno.

Ang higit po sa lahat laging mag-iingat at huwag kalilimutang magdasal.

Tanging ang pagtawag po sa Itaas ang madaling makakapaghilom ng ating nararamdaman.

Lagi lang po tayong magdarasal.

***

BONGGA ang Christmas gift ni Gerald Anderson sa girlfriend na si Julia Barretto.

Isa lang naman.itong mamahaling Rolex watch.

Ang reaction ni Julia nang matanggap ang gift ng àktor, yun daw ang first time niyang nakatanggap ng regalong Rolex watch.

Banaag sa mukha ni Julia ang kasiyahan habang pinagmamasdan ang first ever Rolex watch na Christmas gift mula kay Gerald.

Nabanggit nga ni Julia sa isang panayam na matipid siya pagdating sa kanyang pera.

Alam daw niya kung papano ihandle ang perang pinagpaguran.

Nakwento rin niyang bumili rin daw siya ng Christmas gift para sa sarili na isa ring expensive watch.

Reward daw niya yun after ng two years hard work niya.

Pero, iba raw talaga ang Rolex wristwatch na regalo ng boyfriend sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More