Advertisers
DAHIL sa insistent public demand, ang booster drive-thru caravan sa Quirino Grandstand ay unlimited at round-the-clock na simula 12 a.m. nitong Biyernes (January 14). Patuloy ding tatanggap ng mga magpapa-booster mula sa mga taga-hindi Maynila.
Ito ang inanunsyo nina Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna, kasabay ng kanselasyon ng mga gawain kaugnay ng taunang pagdiriwang ng Sto. Nino festivities at gayundin ang kanselasyon ng pagsasagawa ng online at physical classes sa lahat ng levels sa publiko at pribadong paraalan mula January 14 hanggang January 21.
Nilagdaan ni Moreno ang Executive Order No. 4 na nagba-ban sa lahat ng activities na may kaugnayan sa Sto. Nino fiesta celebration tulad ng stage shows, religious procession, street parties, street games at iba pang uri ng pubic gathering, gayundin ang pagbabawal sa pagbebenta ng alak at pag-inom nito sa pampublikong lugar.
Pinasalamatan ni Moreno ang Sto. Nino at Pandacan parish churches sa voluntarily closing nito ng kanilang simbahan at sa halip ay nagsagawa na lamang ng online masses kasabay din ito ng panawagan ng alkalde sa lahat ng deboto ni Sto. Nino na patuloy na maniwala at manalangin. Ang nasabing traditional fiesta ay ginagawa taun-taon sa Tondo at Pandacan.
Inatasan ng alkalde si barangay bureau director Romy Bagay na ipakalat ang nasabing impormasyon at utusan ang mga barangay chairmen na pangunahan ang pagpapatupad ng nasabing prohibitions.
Samatala ang ‘health break’ sa pagsasagawa ng klase sa Maynila ayon kay Moreno ay dahil sa mga ulat na maraming guro, kasama na ang kanilang pamilya ay infected ng virus, gayundin naman ang maraming estudyante. Tumataas din ang antas ng anxiety sa mga ito.
Samantala ay sinabi ni Moreno na lumagpas na sa minimum requirement ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa first day ng drive-thru booster vaccination nang lumagpas na sa 300 cars ang nabigyan ng boosters.
“Dahil sa bilis ng pagtugon ng publiko, eto naman ang responde ng Maynila. The booster drive-thru is now available 24 hours,” sabi ni Moreno.
Sa kanyang bahagi, sinabi ni Lacuna na siyang in charge sa city government’s mass vaccination program, na bukod pa sa libre na sa cut-off ang caravan, ay magbibigay din ng unlimited booster shots.
Sinabi ni Moreno na binase niya ang kanyang desisyon sa pakikipagpulong kay Lacuna, Manila Disaster Reduction Management Office chief Arnel Angeles at Manila Traffic and Parking Bureau head Dennis Viaje, na tiniyak kay Moreno na kayang-kayang gawin ang 24-hour booster vaccination.
“Madami naman tayong bakuna mula sa national government. Kaya hinihikayat din namin ang mga hindi pa nagpapabakuna na magpabakuna na,” sabi ni Moreno said, na inanunsyo din na nilagdaan niya ang isang city ordinance na lilimita sa galaw ng mga unvaccinated na indibidwal.
Hindi man dinetalye ni Moreno ang nilalaman ng ordinansa na sasailalim pa sa publication gaya ng sinasaad ng batas ay sinabi naman niya na ang ordinance ay ipinasa sa Manila City Council sa ilalim ng pagtitimon ni Lacuna bilang Presiding Officer at Atty. Joel Chua bilang majority floor leader, ito ay alinsunod sa unanimous decision ng Metro Manila mayors na limitahan ang galaw ng mga unvaccinated. Ayon pa sa alkalde, may mga taong higit na nagdadala ng panganib sa kapwa dahil mas madali silang mahawahan.
“Sinasabi ko sa inyo, paliit nang paliit ang mundo ninyo. Unfair naman din kasi sa mga nagtiyagang pumila para magpabakuna at sa mga sumunod sa gobyerno. Unfair dun sa mga gustong protektahan ang kanilang mga sarili, mahal sa buhay at komunidad nila,” giit ni Moreno.
“Get vaccinated. ‘Wag kayo maniwala sa Marites. Maniwala tayo sa siyensya dahil health problem po ito, threat sa kalusugan natin kaya kailangan ninyong proteksyonan ang kalusugan ninyo at ng higit na nakararaming mamamayan,” dagdag pa niya.
“’Yung mga unvaccinated, kakaunti na lang kayo pero kayo ‘yung posibleng mag-infect, magkalat at posibleng mamatay dahil sa impeksyon ng COVID,” sabi ni Moreno at idinagdag din na kahit kokonti na ang mga unvaccinated ay patuloy pa rin silang hahanapin ng city government upang kumbinsihin silang magpabakuna. (ANDI GARCIA)