Advertisers

Advertisers

Pulis sinampal ng bebot sa mall

0 388

Advertisers

Umani ng papuri mula sa mga ka­ibigan, kakilala lalo na sa social media ang isang pulis na nag-viral ang video nang patawarin nito ang isang babae na nanampal sa kanya sa isang mall sa Santiago city, Isabela nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ang pulis na nagawang patawarin ang nanakit sa kanya na si Patrolman John Paul Sudario, nakatalaga sa Traffic Enforcement Unit ng Santiago­ City Police Office (SCPO).

Ayon sa ulat, unang lumapit sa kanya ang mga security guard ng isang mall na nakabase sa lungsod upang magpatulong nang magwala ang isang babae sa ikatlong palapag ng nasabing mall.



Agad namang tumugon si Sudario at nagawang mailabas sa mall ang nag-iiskandalong babae, subali’t muling nagpumilit na pumasok sa loob ng mall kung kaya’t muling hinarangan ng mga security guards.

Dito muling puma­gitna si Sudario subali’t sa halip na tumalima, sinampal at tinadyakan pa siya ng babae na ‘di na pinangalanan.



Sa kabila nito, mahinahon pa rin ang pulis at kinausap nang maayos ang babae.

Agad namang humi­ngi ng tawad ang kapatid ng babae at sinabi na dumaranas ng ma­tinding depresyon ang kapatid nang makauwi ito sa kanila mula Metro Manila.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">