Advertisers

Advertisers

Isko naglabas ng direktiba sa kapistahan ng Sto.Nino

0 236

Advertisers

Naglabas na ng direktiba si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso hinggil sa nalalapit na kapistahan ng Sto. Niño, suspensyon sa klase ng mga pribado at pampublikong paaralan, at 24/7 booster drive-thru vaccination sa Quirino Grandstand.

Ito ay sa gitna pa rin ng lumulobong bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa ipinatawag na press conference nitong Huwebes, sinabi ng alkalde magpapatupad ito ng liquor ban sa mismong araw ng Kapistahan ng Sto. Niño sa area ng Tondo at Pandacan matapos nitong lagdaan ang Executive Order No. 4 na magpapaigting sa pagpapatupad sa umiiral na City Ordinance 5555 na nagbabawal sa pagbebenta, at pag-inum ng alak o anumang nakalalasing na inumin sa lugar na nasasakupang lugar nito.



Tanging online mass lamang din ang gagawin dahil wala nang pisikal na misa sa mga simbahan sa mga lugar na nasasakupan ng Pista kahalintulad sa ginawang hakbang ng Quiapo church sa nagdaang kapistahan dito.

Ipinag-utos rin nito na simula bukas (Enero 14) ay suspendido ang klase sa lahat ng antas sa Maynila pribado man o pampublikong paaralan, online class man o physical class hanggang Enero 21 upang mabigyan ng sapat na oras na makapagpahyinga ang mga estudyante at mga guro lalo na ang mga tinamaan ng COVID-19.



Simula naman ngayong alas-12 ng hatinggabi (Enero 14) ay sisimulan na ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang 24/7 booster drive-thru vaccination sa Quirino Grandstand.

Sinabi naman ni Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, magiging “unlimited” na ang mga nais magpabakuna sa nasabing drive-thru vaccination caravan basta’t dalhin lamang ang kanilang vaccination card.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">