Advertisers
Nakumpiska ang P680,000 shabu sa Caloocan nitong Biyernes ng gabi.
Naaresto ang mga suspek na sina Paul Romeo Llacer, 26; at Marlon Mendoza, 25.
Sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang Northern Police District (NPD) at District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa Guido 1 at A sa Mabini Street, Barangay 133.
Narekober din ang P7,500 buy-bust money, isang sachet na hindi pa matukoy na puting crystalline substance, isang black belt bag, at isang motorsiklo.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Mendoza at Llacer.