Advertisers

Advertisers

Vandolph aminadong nami-miss ang pag-arte sa harap ng kamera

0 171

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

IPINAHAYAG ni Vandolph na kahit nasa pulitika na sila ng misis niyang si Jenny Quizon, nagpapasalamat siya na nabigyang muli ng pagkakataong umarte sa harap ng kamera at magbigay ng saya sa publiko.

Kasama ni Vandolph ang mga kapatid na sina Eric Quizon at Epy Quizon sa gag show na Quizon CT sa NET 25.



Saad ng aktor na isa ring konsehal sa 1st district ng Parañaque, “Of course, hindi maiaalis sa amin ng wife ko na ma-miss ang pagharap sa TV o ang pagpapasaya ng tao dahil siyempre, rito kami iminulat talaga.   “Napakasarap sa feeling na ‘yung trabaho namin ay nakakapagpasaya sa mga tao like doing a gag show with my brothers, Kuya Epy, Kuya Eric, and of course, my wife, ‘yun pa ‘yung bonus, eh.

“Tapos we’re giving justice or continuing the legacy of my father. Ibinabalik namin ‘yung totoong comedy na kailangan natin sa panahon ngayon.”



Wika pa ni Vandolph, “Kung iisipin niyo ang trabaho po ng isang public servant ay hindi madali, lalo na sa panahon ng pandemya. Pero by doing this (Quizon CT), siguro sa kaunting oras nalilibang namin ‘yung mundo namin para maka-reset ang aming pag-iisip to do a better job in our craft.”

Sina Eric at Epy ang direktor ng naturang gag show na napapanood sa NET 25 every Sunday, 8PM, pagkatapos ng Tara Game, Agad-Agad!



Ipinahayag naman ni Eric na ang Quizon CT o Quizon Comedy Theater ay bahagi ng hangarin nilang magkakapatid na ipagpatuloy ang legacy ng kanilang amang King of Comedy na si Dolphy.

Lahad ni Eric, “Also, something na we also want to incorporate, kasi ang daddy ko mahilig din ‘yun sa visuals. Kung minsan, walang masyadong salita pero visually nakakatawa, so we are trying to emulate that.

“Basically, ang gusto lang talaga namin ‘yung after nine years we still want to continue his legacy. Iyon lang naman ang sa amin.”

Kabilang din sa main cast ng programa ang misis ni Vandolph na si Jenny Quizon. Tampok din sa gag show sina Martin Escudero, Bearwin Meily, Gene Padilla, Garry Lim, Tanya, Charuth, at Billie Hakenson.