Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
HINDI pinalampas ni Robin Padilla ang comment ng isang netizen at kaagad na sinagot ito ng sabihan, “Hoy, Robin Padilla, tatakbo kang senador pero yung plataporma mo, pang-Grade 6 class president.”
Sagot ni Robin, “Kawawang Pilipinas batid na pala ng Grade 6 pero wala pa ring nagagawa yung mga kandidato ninyong sa ibang bansa pa nagsipag-aral.
“Mga paulit-ulit (nang) nakaupo at nangangako , galing na galing kayo sa palaporma dahil napakasarap basahin, yung iba palaliman pa sa wikang (Ingles) pero bakit po kaya wala pa rin nangyayari sa plataporma nila at sa ibinoto ninyo? Lalong naghihirap ang mahirap at yumayaman ang mayaman?” Walang pinatatamaang kandidato si Robin. Ang tinutukoy niya ay ang magre-react na tumatakbo ngayon.
Samantalang kahit na ano pa sigurong sabihin laban o paninira kay Robin ay ang mga tao ang siyang magluluklok sa isang kandidato para manalo o matalo sa darating na election.
Pero base sa mga naglalabasang reaction at base na rin sa survey ay mataas ang rating o mas maraming Pinoy ang gustong maging senador si Robin Padilla.
Ang mga dating senador na kandidato ngayon ay tila malabo nang manalong muli base na rin sa survey.
Ang ilan sa siguradong magiging senador ng bansa ay sina Spokesman Harry Roque, Herbert Bautista, Robin Padilla. Marcoleta, Loren Legarda, Mark Villar.
***
KASALUKUYANG naka-isolate ang mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano matapos na sila ay magpositibo sa Covid -19.
Ayon sa kanyang latest Instagram post, nahawahan na rin ang kanilang three-year old son na si Leon Arellano.
”I knew chances were slim but after almost a week, our little kuya (as well as our ate that takes care of Alana) has joined me on the dark side woke up with a fever and also this morning,” say ni Iya.
Good things, so far ay okey naman ang kanilang panganay na si Primo at ang bunsong anak na si Alana Umaasa sila na sana hindi tuluyang tamaan ang mga ito ng virus.
“Still hoping for the best for Alana, Primo and our 2 other ates who are keeping the home from falling apart while I`m isolated,” say pa ni Iya.
Sinabi rin ni Iya kung gaano kahirap kapag nagpositibo at kailangan mo mag-isolate habang ang ibang mga kasama mo sa pamilya ay negatibo.
”This is so so tricky!! It`s almost like it`s better if everyone just gets sick na lang so that you can all start and end together, but then you also don`t want to risk it and still hold onto that hope that others are spared coz you don`t know how bad it might actually hit them.
“If anything given the situation, I still thank God that He allowed for Drew and I get thru this so that we could already be on the road to recovery to care for the little ones we love when its their turn, ” say pa ni Iya.
***
Winwyn naka-quarantine
Naka-home quarantine ang preggy na si Winwyn Marquez. Sinabi niya sa kanyang post na ipagdarasal niya na gumaling na ang mga tinamaan ng virus.
“It`s hard and scary. Nakakapagod pero laban lang and stay optimistic. I pray hindi lahat maka-experience nito and sa mga tinamaan ay sana lahat gumaling na…lagi ko nga sinasabi sa sarili ko na all will be well and after nito mabibigyan lalo natin ng importance yung mga bagay na dati ay binabalewala lang. Get vaccinated, drink your vitamins, mag-mask, safely distance yourself from others, test agad and mag-isolate pag may naramdaman and contact agad ng fam and ng doctor niyo.”
***
DAHIL medical emergency ay inaayos na ang mga travel document ni Kris Aquino at ng kanyang nurse. Tinutulungan na rin sila ni Philippine Envoy to the US Jose Manuel Romualdez.
Ito ang inihayag ni Sir Jose Manuel sa programa ni Karen Davila sa ANC kamakailan.
Pero dahil sa current situation ay medyo matagal daw ang magiging proseso.
Tinawagan na raw niya ang consulate general para matulungan si Kris.
Sa last post sa Instagram ni Kris ay talagang alarming na ang timbang nito.
Sobrang payat na talaga pero sinabi rin ni Kris na hindi siya susuko para sa kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.
Nananatili naman tahimik lang ang ex-fiance ni Kris na si Mel Sarmiento matapos na ihayag ni Kris na hiwalay na sila.
Sana matulungan din si Kris ng iba diyan kung paano mapapabilis ang process ng kanyang travel document.