Advertisers

Advertisers

Mga residente ng QC, Caloocan at Pangasinan: NABUDOL SA TALLANO GOLD!

0 286

Advertisers

Matinding galit ang naramdaman ng mga residente ng ilang barangay sa Quezon City, Caloocan at Pangasinan dahil sa napakong pangako ng kampo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bibigyan sila ng parte sa Tallano gold.

Napag-alamang may lumapit sa kanila na mga tao ni Marcos at pinangakuan sila na bibigyan ng Tallano gold kapalit ng pagsuporta sa kandidatura ng anak ng yumaong diktador.

Ayon sa kuwentong pinakalat ng mga tagasuporta ni Bongbong sa social media, binayaran umano ng Tallano family ang yumaong diktador na si Ferdinand Marcos Sr. ng 192 toneladang ginto para sa serbisyon nito bilang kanilang abogado. Ito raw umano ang pinagmulan ng yaman ng mga Marcos.



“Mayroon silang dala-dalang form kung saan nilagay namin ang aming pangalan at iba pang detalye. Iyon daw ang magiging batayan nila sa pagbibigay ng ginto sa amin,” sabi ng isang residente na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Noong una ay napaniwala sila na mayroong Tallano gold dahil sa ipinakitang dokumento at mga istorya sa social media na nagsasabing hawak ng pamilya Marcos ang nasabing yaman.



Ngunit nang tumagal, napansin nilang pinapaikot-ikot na lang sila ng mga tao ni Marcos hanggang sa malaman nila na walang katotohanan ang Tallano gold.

“Tagal naming nag-antay at umasa na mabibigyan kami ng Tallano gold pero umasa lang kami sa wala,” wika naman ng isang taga-Caloocan.



“Talo pa namin ang nabudol. Panay pa naman ang sama namin sa iba’t ibang event ni Bongbong dahil bibigyan daw kami ng Tallano gold pero eto nganga kami,” dagdag ng isa pang residente.

Napag-alaman na hindi lang sa Quezon City, Caloocan at Pangasinan nag-iikot ang mga tauhan ni Marcos at nangangako ng Tallano gold kapalit ng pagsuporta sa anak ng diktator, kundi sa iba’t ibang parte ng bansa.