Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA kanyang Instagram account, muling nagpaunlak si Ellen Adarna sa pagsagot ng ilang katanungan mula sa kanyang mga faney kamakailan.
Isa sa mga naitanong kay Ellen ay kung ano ang pinakamahal na regalong natanggap niya sa tanang buhay niya.
Wala namang paligoy-ligoy at game na sinagot niya na ang tanong ng faney.
Aniya, ang singsing daw na bigay sa kanya ni Derek Ramsay ang most expensive gift na na-receive niya in her entire life.
Hirit pa niya, kotse raw sana ang gustong iregalo sa kanya ng mister pero sinabi niyang mas bet niya ang alahas.
“I think this ring ‘day, because I remember Derek convincing me that he should just get me a Ferrari instead of this (ring). But I’m not into cars and I told him ‘what am I going to do with that Ferrari’,” kuwento ni Ellen.
As if it were not enough, inusisa rin ni Mrs. Ramsay kung magkano ang presyo ng ring na bigay sa kanya ng actor.
Isang makahulugang ngiti lamang ang isinagot ni Derek.
May ilan namang nang-iintriga na mas paboloso raw at galante si Derek kumpara sa ex ni Ellen na si John Lloyd.
Kung pagbabatayan kasi ang cost ng Ferrari ay nagra-range ito mula P13 to P18 million in pesoses sa Pinas.