Advertisers
Ni WALLY PERALTA
NAGSIMULA nang makapag-move on si Heart Evangelista sa pagkalaglag ng kambal na anak sa sinapupunan ay nagsimula na siyang tanungin ng kanyang followers and detractors kung kailan ulit siya magbubuntis. Kalmado naman itonng sinasagot ni Heart kahit pa may mga tanong na tila iniinis ang aktres.
Ngayong bagong taon, ang isa sa mga unang tanong kay Heart ay kung magiging isang ina na kaya siya at tuluyan nang mabuo ang kanyang kaligayahan at pamilya?
“Being a mom shouldn’t be the only source of happiness,” say ni Heart.
Say pa rin ni Heart, hindi naman daw siya malungkot kahit hindi pa sila nagkakaanak ng mister na si Chiz Escudero.
“Ayoko eh. Didn’t anyone teach you manners? If I am not sad about it then why are you? Being a mom shouldn’t be the only source of happiness…What are you going to do when your kids have their own lives?”, say pa rin ni Heart.
Asar talo man ay pilit na inilabas ni Heart ang kanyang pagkadisgusto sa tanong na paulit-ulit na tila ayaw siya tantanan.
“I guess every year, as we get older, we realize our self-worth. If before I allowed people to step on me and bully me, well not anymore. Because I know what I went through. I know my worth. I know what’s in my heart, so if ‘palaban’ means being respectful to yourself and actually handling it with grace but putting your foot down then, yes. I will not let you step on me,” dagdag pang say ni Heart.
***
FEELING lucky fan girl si Faith da Silva nang mabigyan siya ng chance na maging special guest sa programa ni John Lloyd Cruz sa GMA7, ang ‘Happy ToGetHer’. Baguhan pa man sa industriya ay hindi akalain ni Faith na magiging ka-loveteam niya sa ilang episodes ng naturang comedy show si Lloydie.
Aminado si Faith na sadyang na-starstruck siya kay Lloydie at hindi ganun kadali sa kanya na umarte kasama ang idolo. Pero naitawid din ni Faith ang kanyang role kahit pa andun ang kilig inside her.
“Na-starstruck ako! I remember bata pa lang ako, napapanood ko na talaga si John Lloyd Cruz sa sinehan. So, to be able to partner with him, it is such a huge privilege on my part,” say ni Faith.
Kuwento ni Faith, bata pa lang siya ay naging fan girl na siya ni John Lloyd lalo na yung movie na nito si Bea Alonzo, karay-karay siya ng kanyang lola para manood at hindi rin ang time na nakakagala siya sa loob ng isang mall.
“It was the only time that me and my lola would go to the mall because nandun si John Lloyd at Bea Alonzo sa sinehan. Sumasakit ‘yung tuhod niya kapag malamig, but that’s the only time that me and my lola would go to the cinema. ‘Pag sila talaga ‘yung pinapalabas,” say pa rin ni Faith.
Ano naman kaya ang ‘bagong nadiskubre’ ni Faith sa kanyang idol nang magsama sila sa isang show?
“What I discovered about him is that palabiro siya pagdating sa kunwari hindi pa namin take, pero pag ‘action’ na, as in nag-iiba ‘yung face niya, sobrang professional niya, tsaka ang gaan niyang maka-trabaho,” dagdag na say ni Faith.
Masasabi ngang isa si Faith sa mga baguhang talents ng GMA na mapalad na makasama ang mga matinee idol na hanggang ngayon ay sikat pa rin tulad nina Albert Martinez at John Lloyd Cruz.