Advertisers

Advertisers

Quizon CT patok na gag show sa NET25

0 524

Advertisers

MAGANDA ang paunang resulta ng pagpapalabas sa NET25 ng ‘Quizon CT’ o  Quizon Comedy Theater’, ang pinakabagong gag show na punong-puno ng mga nakatatawa at nakakaaliw na jokes at punchlines.

Nagsimula itong ipalabas noong January 9, 2022, tuwing Linggo, dakong 8:00 PM.

Maraming viewers ang nakagusto sa nasabing gag show na literal na pinagsama ang ‘laugh’ at ‘trip’.



Wala talagang kupas at tunay na nagmana sa husay sa komedya ng kanilang namayapang Comedy King na amang si Dolphy ang magkakapatid na Quizon na sina Eric, Epi at Vandolph Quizon.

Kasama rin sa main cast ng programa ang misis ni Vandolph na si Jenny Quizon.



Tampok din sa Quizon CT para magbigay ng dagdag na komedya sina Martin Escudero, Bearwin Meily, Gene Padilla, Garry Lim, Tanya, Charuth at Billie Hakenson.

Ang nasabing palabas ay sa direksyon nina Eric at Epi Quizon.



Kaya tutukan kada linggo ang Quizon CT ngayong bagong taon na siguradong magpapatawa sa inyo! (BKC)