Advertisers

Advertisers

Kasalan Bayan isasagawa sa Sampaloc

0 239

Advertisers

Magsasagawa ng Kasalan Bayan sa Sampaloc, Manila sa mismong araw ng mga puso, Pebrero 14, 2022 sa ganap na 3:00 ng hapon.

Ang naturang proyekto hatid nila Atty. Alex Lopez, aspirante sa pagka-Alkalde ng Maynila; at Konsehal Andrew ‘Kanto Boy’ Lopez ng Distrito 1V ng Maynila.

Inaayayahan nina Atty. Lopez at Konsehal Andrew ang lahat ng taga-Distrito Kwatro na magpatala at gawin legal ang pagsasama ng bawat magsing-irog.



Batid ni Atty. Lopez, na maraming Manileño ang nagsasama sa iisang bubong at ang ilang nagkaroon na ng anak subali’t hindi pa nakakasal. Kaya minabuti nila ni Konsehal Andrew na gawing legal ang pagsasama ng bawat isa.

“Kaya po sa mga nagnanais na maging maayos ang kanilang pagsasama sabay-sabay po kayong mag-‘I DO’ sa February 14 sa Sampaloc,” pahayag ni Atty. Lopez.



Dagdag pa ni Atty. Lopez na sa mga gusto pang humabol at sumali sa kasalang bayan maaaring magsumite ng kanilang pangalan, address at cp# sa Brgy. 407. At ihanda rin ang cenomar upang magpatunay na hindi ikinasala sa iba ang mga nagnanais na sumali sa kasalang bayan.

Tiniyak naman Atty. Lopez na maayos na maipatutupad ang social distancing at iba pang health protocols sa nasabing okasyon partikular na ang pagsusuot ng face mask ng mga dadalo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">