Advertisers

Advertisers

CAYETANO NO. 1 NA SA SURVEY

0 559

Advertisers

NUMBER ONE na si dating Speaker Alan Peter Cayetano sa senatorial survey na isinagawa sa social media ng isang survey firm na nakabase sa Davao City.

Ang survey ay isinagawa ng University of Mindanao-Institute of Popular Opinion mula Dec.21 hanggang Dec. 28, 2021. Ito ay tinawag na “The Filipino social media users from different regions of the Philippines.”

Ayon sa UM-IPO, ang survey ay ipinatupad online dahil bawal pa ang physical contact dahil sa pagsipa ng COVID-19 cases. Tinarget ng survey ang social media users na pinili sa pamamagitan ng sponsored ads sa Facebook at Instagram.



Nakakuha si Cayetano ng 35% sa naturang survey, sinundan nina Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero (34.4 %), dating DPWH Sec. Mark Villar (33.4 %), House Deputy Speaker Loren Legarda (32.6 %), tv host Raffy Tulfo (26.9%), re-electionist Senators “Migz” Zubiri (26.6 %), Joel Villanueva (26.4 %), Sherwin Gatchalian (25 %), dating VP Jejomar Binay (24.1 %), Robin Padilla (24.5 %), Jinggoy Estrada (19.7%), JV Ejercito (19.2 %), at Risa Hontiveros (19.1 %).

Ito na ang pangalawang senatorial survey na top 1 si Cayetano. Una dito ay ang 2021 last quarter survey ng Pulse Asia Ulat sa Bayan na ipinalabas noong Disyembre.

Pinasalamatan ni Cayetano ang sambayanang Filipino sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya at nangakong itutuloy ang pagbibibigay ng atensyon sa COVID response ng gobyerno para sa mga biktima ng pandemya at mga OFWs. “Our priority right now remains the same: conducting programs and pushing for laws that will improve the health and livelihood of our kababayans all over the country and abroad’’.

Isinusulong ni Cayetano ang 10K Ayuda Bill para matulungan ang ating mga kababayang iginupo ng pandemya. Minabuti ni Cayetano at ng kanyang mga kaalyadong kongresista at mga private donors na mamahagi ng 10K sa mga nangangailangan. Sa ngayon, umaabot na sa 15,778 ang nakatanggap ng 10K ayuda mula sa grupo ni Cayetano.

Bilang dating kalihim ng Dept. Of Foreign Affairs, pinangunahan ni Cayetano sa kamara ang pagtatag ng Dept. Of Migrant Workers(DMW). Ito ay nilagdaan ni Pangulong Duterte bilang batas noong December 30, 2021. Umaasa si Cayetano na sana ay pakilusin agad ang naturang ahensya sa pag-upo ng susunod na pangulo upang mabigyan ng atensyon ang hinaing ng mga OFWs.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">