Advertisers

Advertisers

Mga kandidato kailangang mangako na sumali sa debate – Comelec

0 431

Advertisers

IGINIIT ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez na ang mga kandidato sa pagka-presidente at bise presidente sa 2022 Elections ay dapat mangako na sasali sa mga debate sa Comelec na magsisimula sa susunod na buwan.

Ang pahayag ay ginawa ni Jimenez matapos tanggihan ni presidential aspirant at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na lumahok sa isang “Presidential Interviews” nitong Sabado.

Nauna nang sinabi ng tagapagsalita ng Comelec na ang batas ay hindi nangangailangan ng partisipasyon ng mga kandidato sa mga pampublikong debate, at hindi maaaring obligahin ng poll body ang mga kandidato na magpakita.



Gayunpaman, madalas lumahok ang mga kandidato sa ganitong uri ng pampublikong forum dahil sa “massive airtime”.

Ayon kay Jimenez, nagpaplano ang Comelec na magsagawa ng isang pampublikong debate kada buwan para sa mga kandidato sa pagkapangulo at bise presidente simula sa Pebrero hanggang Abril.

Sisimulan na umano nila ang pagpirma ng memorandum of understanding (MOU) sa bawat kandidato para magkasundo sila sa mga tuntunin sa mga debate.

Ang panahon ng kampanya para sa mga kandidato para sa mga pambansang posisyon ay magsisimula sa Pebrero 8.

Ang panahon ng kampanya para sa mga lokal na kandidato ay magsisimula naman sa Marso 25.
Isasagawa ang 2022 national and local elections sa Mayo 9.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">