Advertisers

Advertisers

BBM-SARA AT SEAGAMES

0 440

Advertisers

KUMPARA sa parating na national at local elections sa Mayo 2022 ang powerhouse tandem na BBM- SARA ay kasing- puwersa sa magkaibang aspeto ng Gilas Pilipinas na sasabak naman sa 31st Southeast Asian Games Hanoi,Vietnam sa Mayo din ng kasalukuyang taon.

Sa unang ratsada pa lang ng mga kandidato nasyunal partikular sa presidentiable at vice presidentiable ay tinambakan agad ng tambalang tigre at agila nina Bongbong Marcos at Sara Duterte ang mga kalabang ( tiyak na alam nyo na kung sino sila) sisiw at guya sa pulso ng masa.

Sobrang laki ng agwat na ng Ilocanong si Sen.Bongbong at Davaoeñang si Mayor Sara kaya mahirap na itong tibagin pa hanggang sa moment of truth pagdating sa balota.



Sobrang lakas naman ang Gilas Pilipinas kontra mga katunggaling Thailand,Indonesia, Malaysia,Vietnam at Singapore kung saan ang koponang Pilipinas ang perenyal na kampeon na kung talunin ang mga kalabang ka- SEAGames ay nasa average na 30 puntos ang tambakan.

Kaya sa hanay ng mga aspirante sa pagka- Presidente at Bise,given na ang number one winning slot sa Uniteam nina BBM- SARA at ang tunay na pinagtutunggalian na lang ay ang segunda (# 2 puwesto) na pakunsuwelo ng mga ‘dilawnanagingpinkpula’ sa maruming politika.

Gayundin sa SEAG basketball event,dahil nakatitiyak na sa basketball gold ang Gilas Pilipinas kaya ang silver na lang ang puntirya ng mga kalabang Thais,Indons,Viets, Malays at Singaporeans.

Ngayon pa lang ay It’s all over but the counting kina BBM – Sara para maging pinuno ng bansang Pilipinas .

Gayundin ay tapos na ang lahat maliban sa final score ng Gilas sa Hanoi SEAG..



Sigaw ng super mayoryang kababayan..Bi- bi- em-Sa- ra !at Go Gilas Pilipinas Go !..ABANGAN!

Lowcut: Belated birthday greetings kay Ms Teresita Chee- treasurer ng Buklod Bayang Magilas Pilipinas from president Rafael Tolentino .Pinolilino at Perpetua International Holding,Inc at lahat ng kabuklod na opisyales..CHEE’rs!!!

Panawagan sa sinumang nakapulot ng wallet ni bro Director Danilo Amos na naglalaman ng drivers’ licence,SK Id, voter’s Id,bgy chairman Id at Philhealth ay mangyari lang na kumontak sa 09199845253 para maisauli.Maraming salamat.