Advertisers

Advertisers

MGA DATING KALOKOHAN NG OTS, DI UBRA KAY USEC GILBERT CRUZ

0 4

Advertisers

Talagang pagdating sa pagpapatupad ng batas at regulasyon at paglaban sa katiwalian, maaasahan si Office for Transportation Security (OTS) Administrator USec Gilbert Cruz.

Muli niya itong pinatunayan nang balaan niya ang mga tauhan ng OTS na walang lugar ang anumang kalokohan sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Ang deklarasyon na ito ay ginawa ni Cruz kasabay ng agarang pagsibak sa tatlong OTS personnel na inakusahang sangkot sa kaso ng turistang Australian tourist na nawalan umano ng P7,000.

Ang mga ni-relieve ay dalawang screeners at kanilang supervisor na pansamantalang di pinangalanan habang patuloy silang isinasailalim sa imbestigasyon.
Sa atas ni Cruz na pirmado ni Transport Security Risk Management Service Director Nicolas Quemado, Jr. isinailalim sa ‘order of relief’ ang mga nasabing personnel.

Ang naturang mga tauhan ay inalis ‘in the exigency of the service’, mula sa NAIA Terminal 3 at inilipat sa SSOS head office at kasabay niyan, ayon kay Cruz, ang mga nasabing personnel ay iniimbestigahan para sa posibleng paghaharap ng mga kasong criminal at administratibo laban sa kanila, kung sasapat ang ebidensiya.

Nang maupo bilang hepe ng OTS, ang dating Philippine Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) chief ay agad na umikot sa NAIA Terminals para alamin kung paano magagawa nang perpekto ang trabaho ng OTS na siyang in charge sa security screening, pati na x-ray baggage inspections sa premier airports.

Inalam din niya ang ‘critical areas’ na ngangailangan ng agarang atensyon at aksyon dahil sa kanyang commitment na ayusin ang airport security at transparency, alinsunod sa direktiba ni President Ferdinand Bongbong Marcos, Jr.

Nais ni Cruz na bigyan ng ‘best overall travel experience’ ang mga pasahero at protektahan ang mga Filipino sa pagdaan nila sa anumang transportation facility.

Maganda ang layunin ni Cruz at tiyak na hindi niya pababayaang masira lang ito ng iilang tiwaling kawani na tila minana niya sa nagdaang mga administrasyon, kung kelan nauso ang paglunok sa dolyar, mga nawwalang pitaka, alahas at pera.

Di uubra ang mga ganito kay Cruz.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.