Advertisers
UMANI ng matinding atensyon ang reaksyon ni dating COA Commissioner Rowena Guanzon matapos kuwestyunin ang isang kritikal na detalye sa mga dokumentong inilatag ni dating Senator Antonio Trillanes IV sa impeachment hearing na may kaugnayan umano sa mga bank transactions na iniuugnay kay Vice President Sara Duterte.
Sa kanyang pahayag, diretsahang tinukoy ni Guanzon ang isang entry na umano’y nagsasabing may ?7 milyong payout noong 2011 mula kay Sammy Uy papunta kay VP Sara, na dumaan sa BDO branch sa SM Lanang Premier.
“May P7M pay out daw si Sammy Uy kay VP Sara nung 2011 through BDO – SM Lanang.”
Ngunit agad niya itong binasag ng isang mahalagang punto na maaaring magpahina sa kredibilidad ng dokumento:
“Eh Sept 2012 nag open ang SM Lanang.”
Ang isyung ito ay direktang tumutukoy sa timing ng naturang transaksyon—dahil kung ang branch na binanggit ay hindi pa umiiral noong 2011, lumalabas na may posibleng inconsistency sa dokumentong inilatag.
Ang SM Lanang Premier sa Davao City, na ginamit bilang reference location ng sinasabing bank transaction, ngayon ay naging sentro ng diskusyon—dahil ang hindi pagtutugma ng petsa at lugar ay maaaring magdulot ng seryosong pagdududa sa pagiging lehitimo ng nasabing ebidensya.
Samantala kinuwestiyon at humingi naman ng kalinawan ang ilang netizens kay Trillanes kung paano nagkaroon ng bank transaction si Vice President Sara Duterte sa isang bangko sa SM Lanang noong Oktubre 2011 at Abril 2012 kung Septyembre 2012 binuksan ang nasabing establisyemento.
Matatandaan na ibinahagi ni Trillanes ang mga transaksyon ni Duterte sa BDO Lanang noong Oktubre 25, 2011 na nagkakahalaga ng P7.4-M at karagdagang P7.4-M noong 2012, ilang buwan bago magbukas ang nasabing mall.
Ngunit ayon sa ilang nitizens maaring lumipat lamang ng pwesto ang nasabing branch sa loob ng mall noong nagbukas ito.
Ayon sa ilang dokumento na ipinakita nila, makikita na mayroong branch na Davao-Lanang ang BDO na nag-umpisang mag-lease sa SJRDC Building, Insular Village 1 Commercial Area, Lanang, Davao City mula 2007 hanggang 2017.
Sa ngayon ay tanging ang nasabing bangko lamang ang makakapagbigay linaw sa dokumento na ipinakita ni Trillanes.
Tutukan natin!
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com