Advertisers
Bahagi ng pagtalima sa pagseserbisyo sa mamamayan at mapigil ang mga katiwalian ay tinitiyak ng NATIONAL IRRIGATION AUTHORITY (NIA) sa liderato ni ENGR. EDDIE GUILLEN na walang magiging GHOST PROJECT sa lahat ng programang irigasyon na ilulunsad.., dahil ang mga ito ay sasailalim sa mahigpit na proseso ng pagpaplano, pagsubaybay at pagsusuri.
Ang naturang sistema ay magtitiyak na ang public funds ay magagamit sa wasto at responsableng pamamaraan para sa kapakanan ng mamamayan higit sa lahat ay para sa sektor ng mga magsasaka sa ating bansa.
Upang maging epektibo ang programa sa pamumuno ni NIA ADMINISTRATOR ENGR. GUILLEN ay hinihimok nito ang publiko na magbigay impormasyon sa kanilang pangangailangan, katanungan at mga reklamo sa pamamagitan ng 8888 CITIZENS’ COMPLAINTS CENTER (HOTLINE 8888) at sa PRESIDENTIAL ACTION CENTER (PACe).
Ang ganitong national platforms ay magsisilbing FRONTLINE CHANNELS na ang mga NIA REGIONAL at PROJECT MANAGEMENT OFFICES sa buong bansa ang direktang aaksiyon at makikipagkomunikasyon para sa paglutas sa mga pangangailangan ng mga magsasaka.
Bilang pagpapaangat sa integridad at kalidad sa pagseserbisyo ng NIA ay isinusulong ngayon ang kampanyang “RIGHT PROJECT, RIGHT PRICE, RIGHT QUALITY’.., na ang inisyatibong ito ay gagarantiya sa lahat ng IRRIGATION PROJECTS na mailulunsad sa wastong pamamaraan, paggastos at kalidad na trabaho para sa pangmatagalan kapakinabangan hindi lamang ng mga magsasaka kundi para sa buong sambayanan.
Ipinunto rin ng NIA na ang mga proyekto ay hindi lamang sa tawag ng transparency kundi ito ay pag-aanyaya para sa pakikipagpartisipa ng mga magsasaka sa lahat ng mga pagkakataon at mabantayan ang lahat ng proseso upang mahadlangan ang anumang magiging katiwalian at higit sa lahat ay wala nang magiging GHOST PROJECT para sa pagtiyak sa FOOD SECURITY sa ating bansa.
“Farmers are actively involved from start to finish.., from pre-construction to project implementation and all the way through operation and maintenance, farmers are part of irrigation development and management. Their participation ensures that projects are grounded in actual community needs and are continuously monitored on the ground,” pahayag ni GUILLEN.
Sa mga sistemang ito ay ipinunto ng NIA na hindi matitinag ang kanilang mandato para sa pagtiyak na ang bawat proyekto sa irigasyon ay maghahatid sa pangmatagalan at tunay na pagseserbisyo sa sektor ng agrikultura!
Mga ka-ARYA.., kailangang makibahagi po ang mga magsasaka sa programa ng NIA na kung mayroon kayong pangangailangan lalo na sa sektor ng mga magsasaka ay ipaabot ninyo ang inyong mga hinaing at pangangailang sa inyong lugar para maging kapakinabangan sa mga produktong pantanim at kung may mga katiwalian ay inyo pong impormahan ang NIA.., na kung matagal ang aksiyon ay maaari po ninyong iemail dito sa ARYA upang rekta nating kakalampagin ang tanggapan ni NIA ADMINSTRATOR GUILLEN!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.