Advertisers
Sosyal at malakasan ang dalawang KOLEKTOR na ito dahil sa lulan pa ito ng mobile car ng Manila Police District (MPD) sa PANGINGIKIL ng tara sa mga vendor, fixer at mga tauhan ng fake diploma mill particular na sa Barbosa at Recto Avenue, QUIAPO, Manila.
Kinilala ng mga vendor ang dalawang KOLEKTOR na sina Albert at Mikel na hanggang sa kasalukuyan ay hindi nila alam kung mga lehitimong pulis sa MPD.
Ayon sa kwento, GAMIT NG DALAWANG ito ang Isang marked vehicle ng MPD-DTMO na may body number na 911 sa pag-ikot sa nasabing lugar particular na sa AOR ng MPD-PS 14 sa Barbosa. Dito na rin kinakarga ng DALAWA ang mga kumpiskadong kalakal sa mga vendor.
Sinabi NG MGA vendor na obligado daw silang magbigay ng P20 araw-araw sa dalawang ito samantalang ang mga empleyado sa mga fake diploma mill ay P200 naman Isang linggo.
Mantakin mong walang kamalay-malay ang butihing station commander ng Barbosa na si Lt. Col. Jolly Soriano sa aktibidad ng DALAWANG ito.
Mabuti na lang daw ay may mga vendor na personal na dumulog sa kanilang himpilan hinggil sa PANGI-NGIKIL na ginagawa nina Albert at Mikel.
Itinanggi ni Col. Soriano na Ang dalawang ito ay hindi nakadetine sa PS-14, hindi rin mga civilian employee at hindi rin daw mga Stryker.
Biruin mong sisirain pa NG MGA ito ang kanyang image at ang reputasyon ng kapulisan na bumubuo sa MPD-PS14 sa Barbosa.
Masyadong spoiled o’ di kaya’y sobrang kinu-kunsinti ang mga ito ng kanilang immediate superior o opisyal kung Meron man kaya ganito kalakas ang loob.
Sana naman ay hila nila ang kanilang mga buntot at huwag ng idamay ang mga inosenteng tao para lang sa sarili nilang interes.
Ang mabigat na Tanong dito ay kung alam ng hepe ng DTMU-MPD na si Major Kherwin Evangelista ang gina-gawa NG PANGINGIKIL nina Albert at Mikel?
Maliban sa kanino man, tila walang respeto o’ konting takot man lang ang dalawang ito sa bagong upong District Director ng MPD na si General Arnold Santiago.
Mantakin mong wala pang Isang linggong naka-upong District Director si General ay bibigyan niyo AGAD ng negatibong isyu at kahihiyan.
Ganon pa man ay buo ang aming pananalig kay General na ito’y inosente at walang kamalay-malay sa mga kagaguhan ginagawa NG dalawang KOLEKTOR, BAKIT KAMO??
Para sa inyong kaalaman, itong si General ay Isang marangal at mabuting tao sa dahilang dumating at dumating ito sa MPD ng nag-iisa na walang Kasama at hilang tao sa kanyang administrasyon, bihira ito..di po ba?
General paki-usisa nga ang dalawang ito at gawing sample para hindi na tularan at pamarisan pa ng iba.