Advertisers
Arestado ang isang lalaking dayuhan sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 nang sapakin nito ang rumespondong security personnel sa sumbong na nagnakaw ito sa isang retail food outlet doon.
Bago ang pananakit, nagtungo umano ang Lockheed Security Agency sa PNP-Aviation Security Group NAIA Police Station 3 upang isumbong ang pagnanakaw ng food items ng nasabing dayuhan.
Kinompronta umano ng store staff ang dayuhan subalit tumanggi itong magbayad, hanggang sa pumasok na sa eksena ang airport security personnel.
Sa naganap na komprontasyon ay naging bayolente na umano ang suspect at sinapak ng ilang ulit ang Aviation Security (AVSEC) officer na rumesponde, dahilan upang ito ay magkaroon ng injuries.
Napigilan ng mga dagdag na rumespondeng AVSEC personnel ang suspect at ito ay dinala sa NAIA Police Station 3 para sa imbestigasyon, documentation at proper disposition.
Nagsasagawa na ng inquiry sa insidente habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso.
Ano PBGen Dionisio B Bartolome Jr, Director of the PNP AVSEGROUP: “We at the PNP AVSEGROUP remain committed to maintaining order and ensuring the safety of passengers, personnel, and concessionaires on the airport premises, and we emphasize that any unlawful or violent behavior will be dealt with decisively.” (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)