Advertisers
MULING pinatunayan ng Pitmaster Foundation ang kanilang walang humpay na paglilingkod sa publiko nang muling magbigay nang panibagong home care kits para sa lahat ng alkalde ng National Capital Region (NCR) kung saan ay pormal na isinalin ito sa lungsod ng Pasay.
Pinangunahan ni Pasay City Mayor Imelda ‘Emi’ Calixto-Rubiano ang turn-over ceremony, kasama ang ilang opisyales ng DILG, DOH, MMDA sa tulong na rin ng Pitmaster Foundation sa pangunguna ni Executive Director Atty. Caroline Cruz.
Ayon kay Cruz, ang halagang 20 milyon pesos na donasyon ay bahagi lamang ng karagdagang home care kits na hiniling ng mga City Mayors upang makatulong sa mga nagpositibo sa COVID-19 virus na kasalukuyang nagpapagaling.
“Today is really a continuation of our Foundation’s efforts to support our common efforts to keep the economy open. We hope that today’s donation of P20 million home care kits to NCR LGUs is “timely” and “targeted” to the needs of our constituents.” Ani Cruz
Nauna rito, nagbigay ang Pitmaster Foundation ng P50 milyon cash donations at P50 milyong halaga ng rapid antigen kits upang suportahan ang mass testing efforts ng nasabing rehiyon.
Nabatid na ilan lamang ito sa mga adhikain at inisyatibo ng nasabing institusyon na matulungan ang ating mga health workers at maprotektahan ang maliliit na negosyo upang maiwasan ang Covid-19 lockdown. Layunin din nito na suportahan ang Response Program ng ating Pamahalaan.
“This Home care kit is a comfortable treatment for mild cases. To be at home, surrounded by family in a place that comforts you is a better and more humane option than any medical facility.”dagdag pa ni Cruz
Ang PITMASTER ay isang kahulugan na tumutukoy sa Proving Indigent Timely Medical Assistance Service and Targeted Emergency Relief. (Jojo Sadiwa)