Advertisers
Be thankful for what you have; you’ll end up having more. If you concentrate on what you don’t have, you will never, ever have enough. — Celebrity host Oprah Winfrey
MATINDI pala ang nangyayari sa loob ng Bureau of Customs (BoC) dahil para umanong si AOLPH HITLER ito si commissioner REY LEONARDO GUERRERO sa pamumuno ng ahensya.
May nakapagsabi sa atin na ang estilo ng pamunuan ni Guerrero ay mahihintulad sa pamising diktador ng Alemanya dahil ang pinapairal niya ay kailangang sumunod sa lahat ng kanyang kautusan ang lahat ng kawani ng bureau—nang walang tanung-tanong—basta sumunod lang sa lahat ng kanyang kagustuhan.
At pinapairal ni commissioner ang mala-Hitler na pamumuno sa tulong ng ilang mga dati at aktibong opisyal ng militar na kanyang itinalaga sa Office of the Commissioner bilang mga close-in aide, consultant at ilang plantilla position.
Isa pa, alam kaya ng mga taong dumadalaw sa Customs na ang kanilang mga cellphone o mobile devices ay inii-scan para makuha ang lahat ng mga usapan o transaksyong naka-save dito—personal man o hindi?!
Ang totoo, sa pag-scan ng mga CP nadali ang is akong kapitbahay na kamakailan lang na-regular sa BoC at ngayon ay suspendido siya dahil nabuking ang pakikipag-usap niya sa isang mataas na opisyal ng bureau—hindi ko nga lang alam kung ano ang pinag-usapan nila.
Ayos ba ALEX . . . ?
* * *
AYON kay senador JOEL VILLANUEVA, nararapat lang sa ating mga senior citizen na mabigyan sila ng mas mataas na pension sa patuloy na pagdurusa sa gitna ng krisis dulot ng lumalaganap pang pandemya ng coronavirus.
Ani Villanueva: “Simple at straightforward po ang layunin ng mga panukalang batas na ito: Isanlibong piso kada buwan para sa indigent nating mga lolo at lola.”
Bilang vice chair ng Senate committee on social justice, welfare and rural development, idiniin ng senador “pinaka-iingatan natin ang ating mga nakatatanda sa halos dalawang taon ng pandemya dahil high-risk sila sa Covid-19, lalo na iyong may mga comorbidity.
Babala niya: “Kapag tinamaan sila ng sakit, marami sa kanila ang walang pagkukunan ng pambili ng gamot o pampaospital.”
Idinagdag pa nito na ang PhP500 buwan-buwang pension para sa senior citizen ay lubhang napakaliit para sa kanilang mga pangangailangan, lalo na dahil sila ang may mga maintenance medicine na mahalaga para sa kanilang kalusugan.
Ang totoo, senior citizen na rin po ako sa edad kong 64 (sa Disyembre 22 ngayong taon pa ako mag-65). Kaya lang ay hanggang ngayon ay wala akong pension dahil hindi pala ako napasama sa talaan ng mga miyembro ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) dito sa aming lungsod sa Caloocan City. Actually, kasalanan ko kasi hindi ako agad nag-miyembro sa OSCA noong mag-60 anyos na ako.
Pero may kakulangan din ang pamahalaan dahil hindi naman pinagbigay-alam sa akin na kailangan palang magmiyembro sa OSCA upang makatanggap ng pension kada buwan.
Ngayon ay miyembro na ako ng OSCA, dangan nga lang ay antay p-a rin ako sa aking pensyon. May balita ring purnada na ang nakalipas na mga taon na hindi ako nakatanggap kaya nalusaw na sa kanal ng katangahan ang mahigit PhP20,000 na sanak natanggap ko . . .
Tsk tsk tsk . . .
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!