Advertisers
MARAMI umanong mga tao ang nalululong at nasi-sira ang buhay sa online sabong na sinasabi nilang legal nguni’t napaka-illegal lalo na’t kung ikukumpara ito sa iba pang online gaming tulad ng horce-racing at lotto.
Ultimo mga sorbitero, magtataho, construction worker at halos lahat na ng antas ng tao in all walks of life ay nakaadikan na itong sugal na ito na naka-monitor ng 24-oras sa online TV.
Kailangan din daw na mahaba at malaki ang puhunan mo dito dahil kada dalawang minuto ang sultada at bitaw ng mga manok kung kaya’t ganon kabilis magkatalo.
Kung meron mga illegal bookies ang karera ng kabayo na kung saan ballpen lang at papel ang hawak ng kubrador, ganon din ang labanan dito sa sabong.
Buti pa nga sa karera at maraming betting station o off-track na tinatayaan samantalang sa online sabong ay maliit lang na espasyo ang kailangan hangga’t napapanood mo ang laban sa monitor.
Mas hamak na legal ang karera o maski na anong lottery tulad ng lotto dahil alam niyong may pinapasok na revenue o tax ito sa gobyerno.
Ang online sabong naman sa kabilang dako ay di mo malaman kung saan ito nakadirekta at kung may nai-papasok nga itong sapat na revenue s sa gobyerno dahil 24-oras ito.
Malakas din siguro sa kinauukulan ang may hawak nitong sabong dahil biruin niyong tuloy-tuloy ang operasyon nito sa kasagsagan ng alert level 3 samantalang ang karera at lotto ay pinahinto ng dalawang linggo at ngayon lang muling nag-operate.
Kung pagbabasehan naman ang pinapatupad na mga health protocol ay mas matindi laps ng sabong dahil halos dikit-dikit ang mga bettor dito na di malayong magkapalit-palit na ng mukha.
Mas di hamak na napapatupad ang health protocol sa karerahan dahil sa ilan-ilan tao lang ang nakakapunta dito bukod pa sa malaki ang espasyo ng mga race track ay open air pa ito.
Malaki rin ang agwat ng oras sa karera dahil inaabot ng isang oras bago tumakbo mga kabayo kung kaya’t di masyadong naaapura ang iyong pera.
Walang tigil ang sultada sa sabong na inaabot ng 24-oras samantalang madami na ang 14 races ang naga-ganap sa race track na inaabot lang ng 10 oras.
Malaki rin ang kaibahan ng palakad sa karera dahil may tinalagang mga commissioner ang gobyerno sa bawat race track, meron din mga jury at board of stewards dito na nagdedesisyon sakaling may protesta o inquiry sa takbuhan.
Eh sa sabong sino ba ang may desisyon, walang iba kundi ang mga sentensiyador, mananare. Wala naman ka breeding breeding ang sistemang ito, di po ba?
Iba yata talaga ang tintingnan sa tinititigan dahil bakit ipinahinto ang horce racing at lotto ng dalawang linggo samantalang wala namang pinagkaiba ito sa sabong na pare-parehong naganap sa alert level 3.
Hindi rin natin malaman kung sino ang commissioner sa online sabong dahil walang ibang naririnig na pangalan dito kundi Atong Ang.
Iba rin siguro ang tikas at dating ni Atong dahil luma-labas na parang siya lang ang may dikta maging sa mga politiko at gobyerno. Basta bawal ihinto ang online sabong ke ano pa ang situwasyong kinakaharap ng bansa.
Mas lalo sigurong iba ang hinahawakang agimat at alas nito na obvious naman, di po ba, the show must go on he… he… he…
Lahat ay pwedeng ipatigil at ipahinto, bukod tanging online sabong lang ang bukas at wala ng iba, MABUHAY KA ATONG ANG, BUKOD KANG PINAG-PALA SA LAHAT-LAHAT….