Advertisers

Advertisers

Gagawa ng batas ang mga senador at kongresman

0 364

Advertisers

GUMAWA ng batas ang pangunahing gawain ng mga senador at kongresman.

Trabaho rin nilang busisiin at imbestigahan ang mga nangyayari sa gobyerno o ginagawa ng mga opisyal ng pamahalaan, lalo pa kung patungkol ito sa panloloko sa publiko at pagnanakaw ng pera ng pamahalaan.

Malinaw na tinumbok ‘yan sa Saligang-Batas ng Pilipinas.



Dapat alam ‘yan ng mga senador at kongresista.

Alam din dapat ang nasabing mga tungkulin, responsibilidad at obligadyon ng mga tumatakbo sa pagkasenador, pagkakongresman, kabilang na iyong mga nag-aambisyong maging kongresista, sa pamamagitan ng party-list.



Subalit, kung panuri kayo ngayong panahon ng eleksyon ay mapapansin ninyong mayroong mga kandidato para maging mambabatas ng Kongreso ang hindi alam ang trabaho ng srnador o kongresman.

Hindi maintindihan kung sadyang walang nalalaman sa trabaho sa Kongreso o nanloloko sa mga botante.



Kung hindi ba naman loko, ang pangunahing alok ng mga kandidato sa Senado at Kamara de Representantes ay mabigyan ng mga trabaho ang mga Pilipino na walang trabaho o “jobless” o “unemployed” kung tawagin natin sa ingles.

Pokaragat na ‘yan!

Walang nakasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas na gawain, tungkulin, responsibilidad at obligasyon ng senador at kongresista na lumikha ng trabaho para sa mga walang trabaho.

Kahit nga magbalangkas , magsumite at magpasa ng batas para tumaas ang sahod at benepisyo ng mga manggagawa ay kasama sa trabaho, tungkulin, responsibilidad at obligasyon ng mga senador at kongresman – lumikha pa kaya ng trabaho.

Tigilan ng mga kandidato ang panloloko sa mga manggagawa!

Maling-mali na lokohin ang mga Pilipino para lamang iboto sila sa halalan.

Kahit napakakapangyarihan ng senador at kongresman, hindi sila lilikha ng trabaho.

Hindi sila magtatayo ng “recruitment agency” o “manpower company” kapag nakapuwesto na sila sa Senado at Kamara.

Pagkatapos ng eleksyon, subukan ninyong magpunta sa mga opisina ng mga senador at kongresista upang mag-aplay ng trabaho para malaman ng mga jobless o unemployed kung bibigyan kayo ng trabaho.

Milyun-milyong Pilipino ang walang trabaho, milyun-milyon din ang kontraktuwal ang trabaho.

Ngunit, pihadong hindi kayo tatanggapin lahat ng mga senador at kongresman upang mahing chief of staff nila, researcher, media officer at empleyado.

Kaya, puwede bang tigilan ng mga kandidato sa pagkasenador at pagkakongresman, kasama na ang mga naghahangad maging kongresista, sa pamamagitan ng party-list system ang pag-aalok ng trabaho sa mamamayan ngayong panahon ng kampanya?!