Advertisers

Advertisers

WISH BA NI MRS. ‘BIPI’ NA LAGING MAY KRISIS?

0 354

Advertisers

HINDI dapat ipinagmamalaki ninuman ang nagagawang tulong o ayuda sa sinumang apektado ng krisis, kalamidad maging sa pesteng pandemya.

Walang may gustong maranasan ang anumang delubyo natural man o man- made kaya pag ganitong sitwasyon,makatao at maka- Diyos ang tumulong sa diwa ng bayanihan kung mapalad kang di nasalanta o naapektuhan.Huwag itong pagka-kuwartahan.

Mas lalo kung ikaw ay opisyal ng bayan o may mataas na posisyon sa bansa,katungkulan ng lahat ng nasa poder ang kalingain at paglingkuran ang mga abang kababayan at di ka dapat nakikipag- unahan sa eksena para lang malaman ng madla na naroon ka mismo sa aftermath ng sakuna para makaepal na ikaw ay dakila pero ang siste, sa kamamadali, kandarapa at kumahog ay ang mismong ayudang pagkain ,tubig,gamotat iba pang pangunahing kailangan ay di nakapagdala at bukod tanging bitbit ay ang media na magrereport na naroon siya sa eksena kaya ang mga inabutang buhay na biktima..NGANGA!Nabingit na nga eh nagamit pa.



Ang pinakamasamang lasa ay ang pagbibida tuwing may krisis na kanyang ikinakampanya upang makamit ang mithing boto para sa ambisyong mamuno ng nasyon.

May sarili namang bait itong aniya ay nanay siya ng mga nasa laylayan ng lipunan.



Sa mga ipinapakitang kaepalan upang maka-milagro sa halalan,hindi naman niya kasalanan lahat, ang tunay na culprit ay ang mga makapaligid at taga- sulsol nya noon pa man.

Mababaw,anti-masa at minamaliit ang utak ng Pilipino kaya tuloy laging lutang si Mrs.’Bipi sa mga interbyu,debate at talakayan.Di puwedeng statesman.



Palit ka ng istratehiya?( gahol na sa oras),Sipain na ang mga ‘ala nang hiya na nakadikit sa pundiya ng ginang ambisyosa Persepyon tuloy ng mayoryang sambayanan,wish niya laging may parating na krisis,super bagyo o delubyo para muling makabuwelo in aid of election dahil akala ay bayaning maasahan lagi ‘ on the ground’( di trabaho ng pinuno ng estado yan) sa kunsinti rin ng mga bos nito sa ‘samvayan at ulot ng pulahan.Lahat kayong aspiranteng maepal ay ‘sikspit’ under the ground sa compost pit pagdating ng halalang nalalapit.ABANGAN !

Lowcut:Make way for MUR PRINCE ,AIRNESS RHEI JORDAN ALAO- playmaker at shooting guard par excellence ng San Beda juniors at JRU seniors sa NCAA men’s basketball.Congrats sa kanilang proud Dad RAY ALAO- manedyer ng ABL- bound Davao Occ. Cocolife Tigers.

Shoutout sa mga ka- BUKLOD BAYANG MAGILAS PILIPINAS na sina Coordinator Lorena Tibayan Rosario ng Batangas,Juliet Morado ng Calamba,Laguna, Raul Batucan- Mindanao,Armando Indoc- NCR,Stephen Gomez- Region 6,Jeffrey Zorilla- Malabon at RJ Cortez – Bicol from national president Rafael Tolentino,co- officers gayundin sa tagataguyod ng buklurang Pinolilino at Perpetua International Holding Inc.Kudos to Teresita Chee,Danny Amos,Ronnie Palomares,Gomer Medalla,Robert Gustilo,Jesselyn Fernando,Melchor Reyes,Arex Anza,Enrique Gavilino,Joel Perpetua at Zeus Gonzalez.Rock- solid BBM -Sara..larga na!Advance Gong Hei Fat Choy!