Advertisers

Advertisers

Alyssa Valdez, Jia Morado dinagdag sa national team pool

0 185

Advertisers

ALYSSA VALDEZ, Jia Morado,Jasmine Nabor, Ces Molina at Kath Arado ang idinagdag sa Philippine women’s volleyball team training pool bago ang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam na nakatakda sa Mayo.

Casiey Dongallo at Gelai Gajero, na naglaro para sa California Academy of Antipolo sa PNVF Champions League, ay nakalista rin sa pool ng Philippine National Volleyball Federation.

Si Valdez, na naglaro sa Pilipinas sa huling 3 SEA Games, ay babalik sa pool kasama ang kapwa outside hitter Molina, setters Morado at Nabor pati ang libero Kath Arado.



Papalitan nila sina Faith Nisperos,Eya Laure,Mhicaela Belen,Ivy Lacsina,Kamille Cal, Jennifer Nierva,Alyssa Solomon,Imee Hernandez at Bernadette Pepito, na unavailable dahil sa magkasalungat na iskedyul ng SEA Games na nakatakda sa Mayo at posibleng pagbalik ng UAAP competitions.

Nanateli sa pool sina Kalei Mau,Jaja Santiago, Dindin Santiago Manabat,Mylene Paat,Gemma Galanza,Kat Tolentino, Kianna Dy,Iris Tolenada,Deanna Wong, Dell Palomata, Ria Menesses,Aby Marano at Dawn Macandili.



Middle blocker Majoy Baron, na kinatawan ang bansa sa 2018 Asian Games at 2019 SEA Games, ay nawala sa pool pati sina MJ Phillips, Tin Tiamzon at Angel Cayuna matapos maglaro sa Asian Women’s Club Championship sa Thailand.

Rhea Dimaculangan, na naglaro sa huling three SEA Games, ay hindi rin bahagi ng 20-member pool.



Jorge Edson Souza de Brito, na FIVB- appointed volleyball coach ang naatasan na mangasiwa sa women’s national team program ng bansa, ang pumili sa bagong miyembro ng pool kasama ang kapwa head coach Odjie Mamon.

Samantala, Pangungunahan nina overseas stars Marck Espejo, Bryan Bagunas at Jau Umandal ang 20- member pool para sa Philippine men’s volleyball team, na puntiryang malagpasan ang kanilang 2019 silver medal finish.

Ang deadline na itinakda ng Hanoi SEA Games organizers para sa submission of entries by names ay sa Marso 12.