Advertisers
Hindi pala Team B ng Gilas Pilipinas ang ipadadala natin sa Nagoya Asian Games kundi Team C.
Mabait lang tayo sa pagtawag sa kanila na 2nd Class ng ating pambansang koponan. Siyempre ang 1st class ay ang inilaban natin sa huling FIBA Qualifiers kung saan napagwagian nila ang dalawang game.
Naiintindihan natin kung hindi uubra sa sked sa Asiad ang mga sumali sa 4th window ng FIBA.
May mga commitment ang mga player sa overseas man o dito sa PBA.
Nguni’t dahil tinambakan tayo ng Korea ng dalawang beses sa tune up match ay sabihin na natin ang totoo. Team C nga natin ito. 55-81 sa una at 42-69 sa pangalawa. Mula first quarter ay hindi na tayo pinaporma ng mga Koreano.
Hindi nila kayang depensahan ang korona sa Asiad. Masuwerte na nga ito kung base sa laro sa Korea kung hindi ito mangulelat sa Japan.
Ayon kay Tata Selo ay masyadong inasa ng coaching staff ang team kay Justine Brownlee kaso nagka-injury ito.
Patay kang bata ka.
Ayaw natin pintasan ang mga basketbolista natin pero sadyang hindi nila kaya ang kumpetisyon sa Nagoya.
***
Nasumpungan natin ang football legend na si David Beckham sa 2017 na pelikulang King Arthur : Legend of the Sword sa Warner TV. Ito ay sa Cignal cable noong Sabado ng gabi. Cameo role pero markado ang papel ni Beckham. Isang sipsip na tauhan ng hari ang ginampanan niya. Dalawang minuto lang ang special appearance niya bilang sundalo na ngalan ay Trigger
May mga ugong na balita na baka siya mismo ang nagprisinta sa arthurian movie.
Sa atin ginawa rin ang ganyan ni Robert Jaworski. Kinuha siya taong 1973 ng biyenang si Ramon Revilla sa film na Pepeng Agimat para sa isang maikli pero mahalagang role. Dito ay producer mismo ang ama ng kanyang asawa.
***
Wala na ang pangarap ni Kai Sotto na mapabilang sa US NCAA. Ito sana ang sinasabi ng kanyang kampo para mapansin siya ng mga scout ng NBA.
Kaso mahigpit ang collegiate league sa Estados Unidos hinggil sa pagtanggap ng isang player ng pera para sa pagiging cager. Eh di ba pro na rin status ng NBL sa Australia at Japan B League kung saan lumahok ang seven-footer na Pinoy.
Pinakamaganda na nasa Japan siya na malaki kita at sumasali rin sa Gilas kung pinapayagan ng mother team.
Nag-iimprove naman at lumaki na katawan ng anak ni Earvin Sotto.
Diyan na lamang siya magpokus at mapapansin din siya ng liga nina LeBron James at Michael Jordan.
Kailangan lang ma-emphasize ang halaga ng Filipino community kung sino man magpapirma bilang free agent. May commercial value din kasi siya na unang full-blooded na Pinoy sa liga. Tingnan na lang ang ticket sales sa mga match ni Alex Eala.