Advertisers
Ni BETH GELENA
VERY grateful si Sharon Cuneta pagkatapos na i-shutdown ng Google at ng YouTube channels na nagpapakalat ng fake news about her at sa husband na si Senator Kiko Pangilinan.
Sey ng Megastar: “Dapat lang talaga.”
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng beteranang singer-aktres ang isang news article na nagsasaad tungkol sa Google and YouTube shutting down some YT channels.
Ani Shawie: “Thank You po, Lord. Dapat lang talaga, hindi lang para sa amin kundi sa lahat ng sinisiraan ng wala namang katotohanan at basehan.”
Kamakailan lang ay may ibinahagi ring larawan ang momshie celebrity ng mga lumang larawan ng kanyang mga anak na sina KC Concepcion at Frankie Pangilinan.
Ang nasabing larawan ay ang bonding photos ng magkapatid during their younger days.
Nagdo-drawing si Frankie, samantalang ibinibida naman ni KC ang kanyang legs.
Ayon kay Megastar, iyon ang kanyang favorite pictures nina KC at Frankie.
***
YENG AT RYAN, MAY NAKARAAN
SA segment ng It’s Showtime, ang Tawag Ng Tanghalan ay isa sa judges ang singer na si Yeng Constantino.
Sa nasabing segment ay nabulgar na may ‘love story’ pala sina Ryan Bang at Yeng.
Ini-reveal nina Yeng at Ryan ang naging ligawan nila noong 2010.
Kaya lang dahil mahiyain ang Korean TV host ay hindi nagkaroon ng chance na maging sila.
Nitong Biyernes, naungkat ang past nina Yeng at Ryan nang isang contestant ang nagsabing nag-aalangan itong pumasok sa isang relasyon dahil natatakot siyang masaktan.
Natoka kay Yeng na magkomento sa sinabi ng contestant, pero bago magbigay ng kanyang opinyon ay umayon muna siya sa sinabi nitong nakatatakot masaktan pagdating sa pag-ibig.
Ani Yeng, “Minsan, kahit hindi mo nga naging dyowa, e, basta nagparamdam na sa iyo tapos biglang nawala. Naku, napakasakit talaga!”
Saka niya biglang tinanong si Ryan, “Di ba, Ryan?”
Nagulat si Ryan sa tanong ni Yen.
Sumahog naman si Vice Ganda sa dalawa at tinanong din si Ryan kung ano ba talaga ang nangyari sa pagitan nila ni Yeng.
Nagtapat naman ang Korean TV host, inamin niyang niligawan niya si Yeng nu’ng 2010.
“Unang crush ko kasi si Yeng. 2010, ‘no, Yeng? Nanligaw ako kay Yeng,” pag-amin nito.
Sumagot naman ang singer-composer.
“Hindi kita binasted. Hindi kita binasted noon. Tumigil na lang siya magpadala ng kape.”
Tinanong naman ni Vice kung ano ang na-feel ni Yeng nang tumigil magparamdam ni Ryan.sa kanya.“Oo, na-sad ako noon.”
Kung nagtuluy-tuloy lang daw noon si Ryan sa panliligaw kay Yeng, may chance naman daw siyang mapasagot ang singer. “Siyempre ngayon, iba na, may asawa na ako.
“Pero noong time na yun, kilig na kilig talaga ako sa kanya.”
Hiningi naman ni Vice ang side ni Ryan kung bakit hindi nito ipinagpatuloy ang panliligaw kay Yeng.
Ang sagot ni Ryan:“Akala ko, ayaw mo sa akin.”
“Kasi noong panahon na yun, gumigimik kami, kasama ko sila James Reid. Siyempre, lumalabas ako tuwing gabi.”
“Tuwing inaaya ko siya tuwing gabi, hindi siya lumalabas.”
Dahil hindi pumapayag si Yeng sa kada aya ni Ryan na-conclude nitong, “Akala ko ayaw niya sa akin.”
“Tapos, sumasama ka kay Richard Poon. Yun pala, prayer meeting iyon sa Tagaytay.”
Meaning pinagselosan pala ni Ryan si Richard kaya ito humintong ligawan si Yeng.
Ani Yeng, naiintindihan na niya ngayon kung bakit tumigil manligaw sa kanya si Ryan.
Puri pa ng singer-composer kay Ryan, “Feeling ko, suwerte ng magiging dyowa nito. Kasi napakalambing talaga.”
Huling sambit ni Yeng, bumawi naman daw si Ryan, “binilhan nya uli ako ng kape sa Starbucks.”
Ayon naman kay Amy Perez at least daw ay nagkaroon ng closure sina Yeng at Ryan.
Nag-trending naman ang rebelasyon ng singer at TV host sa social media.
Komento ng mga netizen: “OMG si Ryan Bang pala ang Chinito sa kanta ni Yeng. Ryan Bang pala ang TOTGA ni Yeng 12 yrs ago.”
“I think hindi po. Hehe. Ang pagkakatanda ko po kasi ay iba yong nagsulat ng Chinito. Pero may kanta si Yeng na B.A.B.A.Y, nasa YouTube. Mas accurate po ‘yon.”
Inamin naman ni Yeng na ang awiting “BABAY” ay hango sa karanasan niya kay Bang na bigla na lang nawala.