Advertisers
Ni WALLY PERALTA
NAKABUKOD ngayon ang mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo mula sa kanilang pamilya.
Sa isang condo nag-stay ang dalawa, ang dahilan tinamaan ng Covid 19 ang kanilang kasambahay at tumatayong yaya ng anak ni Jen na si Alex Jazz. At para maiwasan ang magkahawaan pa, lalong-lalo na kay Jennylyn na kasalukuyang nagdadalangtao ay minarapat ng kanyang mister na ibukod ang misis.
Pareho namang nag-test na negative sina Jen at Dennis kaya silang dalawa na muna ang magkasama.
“After new year, may isang tao na na-expose tapos ‘yun sunud-sunod na ‘yung buong bahay, except kaming dalawa ni Dennis at si Jazz. Kaya hindi namin kasama si Jazz ngayon kasi exposed naman siya roon sa yaya niya na positive rin. Sinigurado muna namin, siyempre baka maging carrier si Jazz at mahawa rin ako,” say ni Jen.
Biro nga sa dalawa na tila nag-honeymoon sila dahil sa solung-solo nila ang isa’t isa.
“Si Dennis ang halos lahat gumagawa ng mga bagay rito sa condo. Ayaw niya naman akong pakilusin. Si Dennis ang nagluluto, lahat-lahat, naghuhugas, naglilinis.
“Maswerte ako na kasama ko siya rito kasi naaalalayan ako nang husto, naaalagaan,” pahayag pa ni Jennylyn.
***
UNANG buwan pa lang ng taon pero may dala na naman ang Vivamax na isang kontrobersyal na Vivamax Original Movie, ang “Silip sa Apoy”, isang erotic-drama na pinagbibidahan ng Vivamax K-Crush na si Angeli Khang.
Mula sa mga successful Vivamax Originals niya noong 2021 (Taya, Mahjong Nights, Eva), ang K-Krush na si Angeli ay muli na namang papainitin ang kanyang followers, gamit ang kanyang maamong mukha, magandang hubog ng katawan at palaban na acting.
Ang “Silip sa Apoy” ay kwento ni Emma (Angeli), isang babae na pagod ng pakisamahan ang lasenggero nitong asawa na si Ben (Sid Lucero) dahil nagiging baloyente ito tuwing makakainom.
Isang lalaki na magbabago ng lahat, si Alfred, isang kapitbahay sa tabi nila Emma na sumisilip sa mga butas ng pader at nakakakita ng pang-aabuso ni Ben kay Emma.
Maggiing malapit ang loob nina Alfred at Emma sa isa’t isa at magkakaroon ng sekretong relasyon, ipangangako rin ni Alfred na itatakas niya si Emma para tuluyang malayuan ang kalupitan ni Ben.
Isang pangako na magbibigay kay Emma ng pag-asa na sa wakas ay makamit ang kalayaang matagal na niyang inaasam.
Mula sa Viva Films, Ang “Silip sa Apoy” ay mula sa direksyon ng FAMAS nominee na si McArthur C. Alejandre, na naghatid ng iba’t-ibang pelikulang Pilipino tulad ng ‘In Your Eyes’ at ang 2021 movie na ‘My Husband, My Lover’. At sinulat din ng award-winning writer na si Ricky Lee.
Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store.