Advertisers

Advertisers

Killer ng Secretary ng Ex-Gob, timbog

0 216

Advertisers

Makalipas ang halos dalawang taon na pagtatago sa batas nadakip na ang salarin sa pagpatay sa dating sekretarya ni former Gobernor Cherie Umali.
Sa report ni Nueva Ecija Police Provincial Director Police Col. Marvin Joe Saro kinilala ang nadakip na si Ronald Magat, 30, na nagtatago sa Brgy. Don Canuto Ramos sa siyudad ng San Jose.
Matatandaan na una nang pinagbabaril noong Enero 14, 2018 ang biktima na si Mary Ann Hernandez habang nagpapakarga ng gasolina sa Brgy. Marcos bayan ng Talavera na ikinasawi nito habang sugatan naman ang kanyang asawa.
Dinakip ang salarin sa bisa ng warrant of arrest na inalabas ni RTC Judge Eleanor Marbas Viscarra ng Branch 89 sa bayan ng Sto. Domingo, sa kasong murder.
Samantala detenido ngayon si Magat sa Nueva Ecija Provincial Jail kung saan walang piyansang inirekominda ang korte para sa kayang kalayaan. (Thony D. Arcenal)