Advertisers
MAINIT ngayon sa mata ng madla ang isang ina sa Orani, Bataan nang talian nito sa leeg ang isang taon gulang niyang anak at tratuhin na parang aso.
Sa isang social media platform, ini-upload mismo ng ina na hindi pinangalanan, 23-anyos, ang larawan ng kaniyang anak na, aniya, bagong niyang alaga.
“Bago ko nga palang alagang aso haha…lakas ng tama ng anak ko sunod-sunuran naman…#dami kong tawa dito grabee…,” sabi nito sa kaniyang Facebook post.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), hindi makatarungan ang ginawa ng ina sa anak kung kaya agad nila itong tinunton.
Sa ulat, inamin ng ina ang kanyang ginawa at sinabing nakatuwaan lamang niya ang ginawa niya sa kaniyang baby.
Gayunpaman, kinuha parin ng DSWD ang bata sa kustodiya ng ina.
Sumailalim ngayon ito sa counseling sa posibleng trauma na naidulot ng pangyayari.
(Ace Ramales)