Advertisers
MAHIGIT sa kalahating kabuuan ng papulasyon natin dito sa ating bansa ay nakiisa na sa GOVERNMENT CAMPAIGN na CLINICAL TRIALS sa pagpapabakuna para proteksiyon laban sa COVID-19.., pero, huwag namang idamay muna ang mga bata sa isinasagawang EXPERIMENTATION ng mga COVID VACCINES.
Pursigido ang gobyerno sa pangunguna ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) ang pagsasagawa ng pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11 na nakansela kahapon dahil sa delay nang pagdating sa gagamiting bakuna at ngayong Lunes itutuloy ang bakunahan sa mga bata.., yun nga lang, maraming mga magulang ang bantulot na ipartisipa sa COVID-19 VACCINE CLINICAL TRIALS ang kanilang mga anak.
Tulad na lamang ng 2 magulang na sina dating ABS-CBN NEWS REPORTER na si DOMINIC ALMELOR na may anak na lalakeng 7 year-old at si GIRLIE SAMONTE na may mga lalakeng anak na 7 at 9 year-old ay dumulog kamakalawa sa QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT at sa asiste ng PUBLIC ATTORNEYS OFFICE (PAO) ay naghain ang mga ito ng “EXTREMELY URGENT PETITION FOR CERTIORARI, PROHIBITION, DECLARATORY RELIEF AND INJUNCTION” laban kina DOH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III, UNDERSECRETARY MARIA ROSARIO VERGEIRE at iba pang kabilang sa DOH’s PUBLIC HEALTH SERVICES TEAM hinggil sa pagpapalabas ni DUQUE ng DEPARTMENT MEMORANDUM No. 2022-0041 nitong nakaraang January 24.
Ang naturang memorandum ay nag-aatas sa DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT (DSWD) na umakto bilang parens patriae para sa mga batang hindi papayagan ng mga magulang para sa pagpapabakuna.
Nakasaad sa memorandum ang “In case the parent/guardian refuses to give consent to the vaccination despite the desire and willingness of the minor child to have himself/herself vaccinated, or there are no persons that may legally exercise parental authority over the child, the State may act as parens patriae and give the necessary consent. Therefore, the proper officer representing the State as parens patriae may sign the
consent form. In this regard, the DSWD or its city/municipal counterparts shall serve as the proper office who shall represent the State.”
Nilinaw ni PAO CHIEF ATTY. PERSIDA RUEDA-ACOSTA kasama ang 2 magulang, na ang kanilang inihaing petisyon ay hindi naglalayong labanan ang pagsusumikap ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE at ng kaniyang administrasyon na masugpo o makontrol ang kasalukuyang global pandemic. Anila, hindi sila anti-vaccination.
Si ALMELOR ay fully vaccinated ng MODERNA.., subalit tumatanggi siyang mabakunahan ang kaniyang anak dahil sa WAIVER ON LIABILITY sakaling magkaroon ng SERIOUS ILLNESS, PERMANENT DISABILTY o PAGKAMATAY.
Ang pamilya ni SAMONTE ay naghihinagpis hanggang sa ngayon dahil sa sinapit ng kaniyang anak na lalake na bed ridden na ang kaniyang anak sa ngayon dahil sa epekto ng DENGVAXIA VACCINE na ibinakuna noong 2017 ( isa siya sa mga nagdemanda laban sa mga DENGVAXIA IMPLEMENTORS, SANOFI at ZUELLIG PHARMA).., kaya ayaw na nitong maulit o.matulad ang 2 pa niyang mga anak dahil EXPERIMENTAL o pinag-aaralan pa lamang ng mga dalubhasa kung ano ang magiging mga epekto sa tao ang mga covid vaccines na ginagamit sa ngayon.
“Grave abuse of discretion and unconstitutional, given all the red flags against administration of COVID-19 vaccines to children.” pagpupunto nina ALMEROL at SAMONTE patungkol sa inilabas ng DOH na DM No. 2022-0041.
“IN DEFERENCE to the COURT hearing the PETITION for the ISSUANCE of TEMPORARY RESTRAINING ORDER (TRO) and/or WRIT OF PRELIMINARY INJUNCTION, DOH SEC. DUQUE and the DOH should DEFER the vaccination of 5-11 year old children pending resolution of this case,” eto naman ang FB post ni FORENSIC EXPERT DR. ERWIN ERFE patungkol sa inihaing petisyon sa korte.
Teka.., bago ARYAhan ng DOH ang pagbabakuna sa mga edad 5 hanggang 11 e mas mainam siguro na pangunahan muna ng mga apo ng mga GOVERNMENT OFFICIAL o ng HEALTH OFFICIALS ang pagpapabakuna at sa loob ng 3-buwan na walang magiging adverse effect sa mga apo ng mga opisyal natin e.., maaaring magkusa na siguro ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.
Ika nga e pinaka-epektibo kung ang mga GOVERNMENT OFFICIAL natin ang mangunguna.., kaya ang hamon ng ARYA kina SEC. DUQUE at sa lahat niyang mga HEALTH OFFICIAL ay unahin nilang pabakunahan ang kani-kanilang mga apo o mga anak (kung may anak pa silang mga bata) para maipakita sa sambayanan na tiwala sila sa bakuna na SAFE AND EFFECTIVE!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.