Advertisers
Ni MELCHOR BAUTISTA
HINDI naman ipinagkakaila ni Sharon Cuneta ang paulit-ulit na isyu ng madalas na tampuhan sa pagitan nila ng panganay niyang anak na si KC Concepcion, lalo pa’t wala sa poder niya ang anak nila ng ex-husband na si Gabby Concepcion.
Ang mga tampuhang nabanggit ay normal na lang sa pagitan nilang mag-ina, na paglalabas din ng kanilang lambingan. Bilang mommy humahanga siya at nagugulat sa pagiging strong ng personality ni KC. Unang nasukat ni Shawie ang tapang ng loob ni KC nang ito ay magdesisyong bumukod na ng sariling tirahan.
Natural na sa ugali ni Sharon ang pagiging malambing. Sa damdamin niya bilang ina, sobra pa rin niyang kinasasabikan ‘yung dating KC na nakakasama niya na kailangan pa ang tulong at mga payo niya.
Pero saludo ang Megastar kung paano i-handle ngayon ni KC ang kanyang personal na buhay.
***
UMAAPAW na talaga ang sex appeal ng guwapo at seksing young actor na nagiging kontrobersiyal lagi kapag mayroon siyang hayagang nililigawan sa showbiz. Maging ang malalamyang aktor sa showbiz ay naaakit din ng kanyang sexy body.
Wholesome ang image ni young actor. Kaya lang, may lahi rin siyang foreigner, kaya umaapaw ang kaseksihan niya at talaga raw impresive ang tinataglay niyang hinaharap.
Si young actor ay hindi nakaligtas sa paningin ng sikat na aktor sa showbiz. Nagparating daw ito ng ilang beses na paramdam at mga mensahe na gusto nitong maka-sex ang seksing young actor.
Consistent naman na mabait si young actor. Magalang niyang tinanggihan ang offer na siya ay maka-sex ng sikat na aktor, kahit pa nga maganda naman ang iniaalok na presyo, kung papayag siya na maikama.
Sa mga nakaalam ng tsika ay tinanong daw si young actor kung bakit tinanggihan nito ang offer ng sikat na aktor. Ang katuwiran daw ng young actor, “Ayoko sa kanya. Matanda na!”
Kungsabagay, ang mga nabuking na malalamyang aktor na nagkagusto kay young actor ay puro bagets din. Kaya siguro ayaw niya sa gurang na sikat na aktor.
***
NAPANSIN na talaga sa showbiz na patungo sa kasikatan si Jeric Gonzales. Hindi man sinasadya ay nagkaroon siya ng sexy image dahil na rin sa pagiging model niya ng Bench Body na talagang nakatawag-pansin.
Hindi na isyu ngayon para kay Jeric kung obvious para sa kanya na nahuhuli niya sa mga mata ang mga taong nakakasalamuha niya, na sa mga titig ay sobra ang paghanga at pagnanasa sa katawan niya.
“Tanggap ko na ‘yung ganung reaksiyon ng mga tao sa akin. Nu’ng pumirma ako ng contract para sa Bench Body, alam kong ganito ang mangyayari. Salamat na lang, aware rin ang parents ko na magiging ganito. Supportive naman sila sa akin,” wika ni Jeric.
Sobrang busy na si Jeric sa career. Katatapos niyang gawin ang pelikulang “Broken Blooms” ni Direk Louie Ignacio under Ben Tria Production, at makakasama siya sa isang bonggang teleserye ng GMA-7 na magsisimula sa March.