Advertisers

Advertisers

‘Malas ang sugal pag hinaluan ng kademonyohan’

0 3,745

Advertisers

TAMA ang lolo ko: Malas ang sugal kapag hinaluan pa ng kademonyohan.

Ito ang posibleng mangyari sa multi-billion peso online sabong business sa pag-utos ng Senado sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na suspendihin ang operasyon ng e-sabong o electronic cockfighting hangga’t hindi nareresolba ang pagkawala ng 31 sabungero.

Ang hirit na suspension sa e-sabong ay ginawa ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, ang tserman ng Senate Committee on Public Order, matapos siyang hingan ng tulong ng pamilya ng mga nawawalang sabungero.



Ang mga nawawalang sabungero ay nangyari pagkagaling nila sa sabungan at ang iba ay dinukot mismo ng mga armadong lalaki sa kani-kanilang bahay.

Ayon sa pulisya, isa sa mga posibilidad na rason kaya dinukot ang mga sabungerong ito ay dahil sa “game fixing” o pandaraya tulad ng “tsupe” o paglaban ng mahinang klase ng manok at hindi tamang paglagay ng tare ng manok.



Ang pitong grupo na nagpapatakbo ng onlien sabong ay ang: Belvedere Vista Corp., Lucky 8 Star Quest Incorporated, Visayas Cockers Club Incorporated, Jade Entertaiment and Gaming Technologies Incorporated, Newin Cockers Alliance Gaming Corporation, Philippine Cockfighting International Incorporated, at Golden Buzzer Incorporated.

Inaprubahan ng komite ang hirit ni Senate President “Tito” Sotto na atasan PAGCOR na ipatigil muna ang operasyon ng e-sabong hangga’t hindi natatagpuan ang mga nawawalang sabungero simula pa noong Disyembre 2021.



Maliban sa mga nawawalang sabungero, marami naring naitalang kaso ng panghoholdap mismo ng mga pulis at pagnanakaw ng mga kabataan partikular estudyante dahil sa pagkalulong sa online sabong. May mga nagpakamatay narin dahil sa pagkabaon sa malaking utang. Ang mga pamilya ng OFWs sa Pilipinas ay nagrereklamo narin sa gobyerno dahil hindi na nakapagpapadala ang kanilang tatay o nanay o anak bagkus ay nababaon pa sa utang dahil sa kata-talpak.

Ang gobyerno ay kumikita ng bilyones sa online sabong, na ang transaksyon ng bayaran ay nangyayari via Gcash.

Sa ganang akin, magandang limitahan nalang ang operasyon ng online sabong. Mismo!

***

Sunud-sunod na ang paglabas ng desisyon ng Sandiganbayan sa mga nakabinbin na graft cases laban sa mga opisyal ng gobyerno.

Last week lang ay pinagtibay ng Sandiganbayan ang Graft case vs ex-Tourism Secretary Ace Durano dahil sa piagawang higit P2 million wall calendar na hindi dumaan sa proper bidding.

Si Durano, mula sa pamilya ng maimpluwensiyang politiko sa Cebu, ay maaring makulong ng higit 6 years at hindi na maaring magtrabaho sa gobyerno.

Sumunod na hinatulan ng “Guilty” ng Sandindiganbayan ang ex-mayor ng Aloguinsan, Cebu na si Augustus Caesar Moreno dahil naman sa paggamit sa pera ng bayan sa pagbili ng tinapay na higit P200K sa bakeshop ng kanyang misis nang hindi dumaan sa proper bidding.

Sa Congressman ng Romblon kaya, kailan ilalabas ng Sandiganbayan ang desisyon sa fertilizer fund scam laban kay Budoy Madrona? Abangan!