Advertisers
Patay ang limang miyembro ng New People Army (NPA) sa naganap na engkwentro sa pagitan ng mga militar at rebelde sa New Bataan, Davao de Oro.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jojarain Alce Nguho II alias Rain, Chad Booc alias Chad, at isang alias Daday habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng 2 nasawing rebelde.
Ayon kay BGen Jesus P Durante III, Commander 1001st Brigade, naganap ang engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at rebelde sa ilalaim ng pamumumo ni Eric Jum Casilai alias Wally/Ellan ng Regional Headquater, Southern Mindanao Regional Committee at Fdgional Operation Command SMRC sa pamumuno ni Leo Lacumbo alias Ole sa Purok 8 Brgy Andap, New Bataan, Davao de Oro.
Narekober ng mga sundalo sa pinagyarihan ng engkwentro ang 1 M63 rifle, cal 45 pistol, 1 granada, at personal na kagamitan.
Sinabi ni Durante na Chad Booc ang isa sa mga personalities na inaresto sa Bakwit School sa San Carlos University-Talamban Campus sa Cebu City sa di umano’y “trafficking” ng katutubi sa Talaingod Davao del Norte. Si Booc at pang iba pinalalaya base sa kautusan ng Korte sa Cebu.
Graduate si Booc ng Cum Laude sa UP Diliman sa kurso Bachelor of Computer Science at aktibong miyembro ng aktibista. Sangkot sa isinagawang malawakang kilos protesta ng mga Indigenous People na nagmula sa Mindanao noong 2015.
Nag-volunteer si Booc bilang Mathematic teacher sa Alternative Learning Center for Agricultural Development (ALCADEV) sa Lianga, Surigao del Sur. Kalaunan, nag-voluteer sa Bakwit School sa Cebu. Ang mga nasabing paaralan pinasara ng Pamahalaan dahil sa ginagamit na front ng CPP-NPA.
Isinaad ni Durente na ang pagkakapatay kay Booc nagpapatunay na ang mga paaralan tulad ng ALCADEV, MISFI, Salugpungan, CTCSM, ginagamit na recruitment ng CPP-NPA.
“We call on to the parents whose children are still with these institutions to take action. Rescue your children immediately before it’s too late. Seek help from the authorities so that we can eventually rescue them,” ani Durante.
Samantala si Jojarain Alce Nguho II, isa rin schoolar NPA na graduate sa Liceo de Tagum at voluntee techer sa Community Technical College ng Southern Mindanao (CTCSM) sa Brgy. Lapu-lapu, Maco, Davao de Oro.(Mark Obleada)