Advertisers

Advertisers

BONG GO: MGA PINOY SA UKRAINE TIYAKING LIGTAS

0 442

Advertisers

SA gitna ng tumitinding labanan ng Russia at Ukraine, binigyang-diin ni Senador Christopher “Bong” Go na dapat protektahan ng gobyerno ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Ukraine, na karamihan ay nasa kabisera ng Kyiv, at mga kalapit na lugar.

“Tayo ay, walang alinlangan, nabubuhay sa magulong panahon. Ibig sabihin, kailangan ngayon na maging maagap at pangalagaan ang kinabukasan ng mga Pilipino at ng ating bansa,” ayon kay Go.

“Ang ating pangunahing priyoridad ay ang maiahon ang ating mga kababayan sa panganib sa lalong madaling panahon,” diin niya.



Pinuri ni Senator Go ang pagsisikap ng Department of Foreign Affairs sa pagpapakilos ng lahat ng resources para ilikas ang mga Pilipino. Ang mga operasyon ay isinasagawa upang ilipat ang mga apektadong Pilipino sa kaligtasan mula sa Ukraine patungo sa mga kalapit na bansa at sa huli ay makauwi.

Sa ngayon, 40 Pinoy na ang ligtas na naihatid sa Poland, Hungary at Moldova kung saan 6 na Pinoy ang nakauwi na.



Pinayuhan ng senador ang mga Pilipino sa Ukraine na mag-ingat at maging aware sa kanilang paligid, maging mapagbantay, at makipag-ugnayan sa Philippine Embassy Team sa Lviv o sa Consulate General sa Kyiv kung kailangan nila ng tulong.

Hinimok din niya ang gobyerno na pagaanin ang masamang epekto sa ekonomiya ng pandaigdigang labanan sa bansa sa pamamagitan ng napapanahong pagbibigay ng subsidyo sa gasolina sa mga tsuper at sektor ng transportasyong pang-agrikultura, lalo na at ang presyo ng langis ay lumampas na sa $100 kada bariles.



Samantala, sa pagpuna sa malaking bilang ng mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa, muling iginiit ni Go ang pangangailangang pahusayin at palakasin ang mga patakaran at hakbang na magpoprotekta sa kanilang kaligtasan.

“Isa rito (mga hakbang) ay ang regalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga overseas Filipino workers, ang bagong batas na nagtatag ng Department of Migrant Workers.

“Ang pagpasa ng Republic Act No. 11641, na aking inakda at co-sponsor, ay matagal nang dumating, dahil isa ito sa idineklarang priority legislative initiatives ni Pangulong Duterte sa kanyang termino,” ani Go.

Sa ilalim ng bagong batas, ang lahat ng ahensya ng gobyerno na sangkot sa dayuhang trabaho at migrasyon ay muling aayusin at ang kanilang mga gawain ay magiging mas mabilis.