Advertisers

Advertisers

Hebigats ang Bagets

0 598

Advertisers

Ni NICK NANGIT

PINAUNLAKAN natin ang paanyaya kamakailan lamang na dumalo at mapanood ang kaganapan sa Okada hinggil sa unang batch ng mga tatakbong Senador.
Maayos at nakakatalino ang nasabing okasyon. Mapapaisip ka talaga sa mga katanungan ng mga panelista na kilala sa kani-kanilang larangan. Halimbawa, tinanong ang mga pananaw nila sa pagbaba ng edad ng pananagutan sa krimen, kasalan ng magkaparehing kasarian, estado ng nuclear plant, renewable energy, muling pag-angkin natin sa Sabah, kapakanan ng mga katutubo, at posibilidad ng mas malawak na hidwaan sa gitna ng Ukraine at Russia.
Nakakatawag pansin ang katalinuhan ng mga lumahok. Sayang lang at hindi pa naiimbitahan si Herbert Bistek Bautista, para iparamdam sa atin ang kanyang kagalingan.
Dahil 64 silang lahat na gustong umupo sa Senado, hindi kakayanin na ang lahat ay nandun. Bukod sa haba ng tanungan at sagutan, maiinip din ang mga manonood at mapapagod sobra ang mga paneilsta. Kaya, 11 muna sila.
Sana, maimbitahan na si Bistek sa mga susunod pang Debate, para higit na makilala ng mga botante ang kaalaman at kakayanan niyang gumawa ng mga polisiya para sa bansa.
Kung maraming artista ang bopols, ibahin natin si Bistek!
May resibo siya sa larangan ng (1) pampublikong pamamahala at pilosopiya (o public administration and philosophy sa UP at San Beda), (2) seguridad ng bansa (o national security sa UP), at (3) paggawa ng mga polisiya (base sa malawak at matagal na niyang karanasan sa paggawa ng mga ordinansa na maihahalintulad sa paggawa ng mga panukalang-batas). Hindi biro ang pamumuno sa ikalawang pinakamalaking lungsod sa Pilipinas, ang Quezon.
Nabahiran man ng mga kasinungalingan, mas mainam nang makaupo si Bistek bilang Senador, para tapatan ang mga hunyango na hindi alam ang mga pinagsasasabi nila, ang mga datihan nang manlilinlang, at lalung lalo na ang mga gustong isulong ang interes ng mga oligarko at komunistang rebelde!
Makakapanayam pa natin siyang muli sa radyo, para sagutin ang mga paratang laban sa kanya at para maipaliwanag din niya ng husto ang mga isusulong niyang panukalang-batas hinggil sa Internet, Livelihood, at Youth (o ILY)!
Mas mabilis na internet para sa mga mag-aaral, guro, at negosyo; trabaho sa gitna ng pandemya at paghahanda sa mga maaari pang dumating na disaster at peligro sa kalusugan; at pangangalaga sa kapakanan ng mga kabataan kung saan malawak din ang kanyang naging kauna-unahang karanasan sa Kabataang Barangay (KB) hanggang sa Sangguniang Kabataan (o SK) – yan ang mga isyu na malapit sa ating mga damdamin.
Tandaan, kahit anong galing ng mamumuno sa Executive branch ng pamahalaan, kung hindi naman susuportahan ng kaalyado nito sa Legislative branch, wala ring magagawa. Mabuti’t ineendorso siya ng sakalam na si BBM. At mas mabuti na bago na ang mga mukhang papasok sa magic 12 ng Senado!
Hindi na Bagets si Bistek, kundi Hebigats na para sa Senado!
Numero OCHO, magandang numero sa ating lahat!!!
Sa ngayon, ugaliing mag subscribe at panoorin ang lahat ng vlogs, pati ads, ng Nickstradamus channel sa YouTube, lalo na ang LIVE nito tuwing Biyernes alas-onse ng gabi Manila time.
Yung gustong magpabasa ng mga tarot cards o kumonsulta ng mga kristal at kababalaghan, mag sulatroniko lamang ng schedule sa nickstradamusnickstr adamus2019@gmail.com.
Light Love and Life, Namaste!