Advertisers

Advertisers

25 CITY HOOD AT 115 FOUNDING ANNIVERSARY, IPINAGDIWANG SA LAS PINAS CITY

0 214

Advertisers

NAGSAGAWA nang painting exhibit ang Las Piñas City government bilang pagsalubong sa ika-25 taong pagkakatag nito sa darating na Marso 26 na susundan naman ng ika-115 founding anniversary nito sa Marso 27, 2022.
Ayon kay Mayor Imelda Aguilar , kasabay ng selebrasyon ng cityhood at anibersaryo ng pagkakatuklas ng nasabing lungsod ay naabot naman ng lokal na pamahalaan ang 91% sa kanyang pagbabakuna  at booster shots sa mga residente sa pamamagitan ng  mga hakbang at patuloy na pagpupursige ng City Health Office (CHO) sa inilunsad na “Bayanihan Bakunahan” sa 20 barangays sa lungsod.
Sinabi pa ni Aguilar na nagdeploy ng mga CHO teams na tuluy-tuloy na nagsasagawa ng house-to-house na pagbabakuna ng first at second dose, gayundin ang pagbibigay ng booster shots sa mga senior citizens at persons with disability (PWDs).
Bukod dito ay naglunsad ang lokal na pamahalaan ng “Vaxx to School’ para mas ilapit ang pagbabakuna sa mga estudyante  bilang paghahanda sa face to face classes.
Binigyang-diin pa ng alkalde na patuloy ang alok ng Las Piñas LGU na hospitalization support na nagkakahalaga ng P30,000 sa mga residente sa pamamagitan ng pag-iisyu ng  “green cards” sa ilalim ng programang pangkalusugan ng lungsod.
Nabatid na ang mga inisyung green cards ay magagamit sa limang accredited hospitals na kinabibilangan ng Las Piñas Doctors Hospital, Las Piñas Medical Hospital, Perpetual Help Medical Center-Las Piñas, Philippine General Hospital at San Juan de Dios Hospital.
Inilahad din ng alkalde na ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) ay nagsagawa ng job’s fair kung saan ay agad na natanggap sa trabaho ang 182 na aplikante.
Aniya, ang job’s fair ay nag-alok ng tulong sa mga residente na naghahanap ng trabaho lalo na ang mga nawalan ng trabaho na idinulot ng COVID-19 pandemic. Nagsagawa din mass wedding o kasalang bayan para sa 115 couples.
Nitong Biyernes ay nagkaroon ng painting exhibit sa Las Piñas City Hall Lobby upang ipakita ang naging paglago mula sa maliit na fishing port at sentro ng pagawaan ng asin noong panahon ng Espanyol na kalaunan ay naging mahalagang residential, commercial at industrial suburb sa Metro Manila.
Ang exhibit ay sumasalamin sa pagbabago at kaunlaran ng lungsod na tiyak na ikagagalak ng mga bisitang residente at taxpayers. (JOJO SADIWA)