Advertisers

Advertisers

NBA: Spurs, Knicks, Hawks at Nuggets wagi sa magkahiwalay na laban

0 342

Advertisers

KUMAMADA ng 33-points career high si Dejounte Murray para pasabugin ng San Antonio Spurs ang Houston Rockets 123-120.

Nag-ambag naman ng 21 points, nine reobunds si Keldon Johnson habang mayroong 17 points, 13 rebounds si Jakob Poeltl at 13 points at walong rebounds si Zach Collins.

Umabot pa ng hanggang 16 points ang naging kalamangan ng Spurs hanggang mailapit ito ng Rockets sa last quarters.



Hindi naman pinaporma ng New York Knicks ang Chicago Bulls 109-104.

Dinala ni RJ Barrett ang Knicks na nagtala ng 28 points habang mayroong 27 points si Alec Burks.



Mayroong 16 points at 12 rebounds si Mitchell Robinson at 17 points ang nai-ambag ni Obi Toppin.

Umabot pa ng 11 points ang kalamangan ng Bulls sa first quarter hanggang ito ay tuluyang makontrol ng Knicks ang laro.



Tumipa naman ng 29 points si Bogdan Bogdanovic habang mayroong 22 points at 15 rebounds si Clint Capela habang 14 points at season high assists na 16 si Trae Young para tuluyang talunin ng Atlanta Hawks ang Indiana Pacers.