Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MARAMING televiewers ang ginulat at pinahanga ni Xian Lim nang first time niyang tumapak sa entablado ng “All Out Sunday” na pinakita niya sa mga manonood ang angking galing sa pagtugtog ng piano habang nakikipag-duet kay Glaiza de Castro at pino-promote ang seryeng nagawa na malapit nang mapanood sa Kapuso Network, ang “False Positive”.
But wait there’s more, pagkatapos ng production number ni Xian together with Glaiza, sinundan agad ito ng trio nila nina Julie Anne San Jose at Jessica Villarubin na hindi nagpahuli sa biritan si Xian, as in nakasabay ang aktor sa dalawang biritera ng AOS.
Noong nasa Kapamilya Network palang si Xian ay pangarap na talaga niyang maging isang recording artist. Nasimulan na niya sana ito pero inabot naman ng pagsasara ng dating mother station niya.
Ngayon kaya balak pa rin ni Xian ang ipagpatuloy ang kanyang naudlot na singing career under naman sa GMA Music?
“Ngayon pa nga lang, nagpapahiwatig na po ako sa mga boss natin na nanunuod. Just in case na kailangan ng ka-duet ni Ms. Jessica at ni Ms. Julie Anne San Jose, nandito po ako. But joking aside, I hope I’d get to do music with GMA.
“I think may bagong version na ilalabas ang Station ID ng GMA, baka po kino-consider na nila ako,” pahayag ni Xian.
***
KAHIT may temang kaseksihan ang bagong movie na ginawa ni Sean de Guzman, ang ‘Island of Desire” kasama ang kapwa nya Vivamax stud na si Rash Flores at si Christine Bermas, proud ang young sexy sctor sa movie na idinerehe ni direk Joel Lamangan at streaming na sa darating na April 1 sa Vivamax App.
“It’s not just the usual sexy movie because the story is really different this time. Istorya ito ng isang nurse na napadpad sa island na ginampanan ni Christine at ang kultong naenkuwentro niya kung saan ay naging member ang kanyang kapatid na babae,” say ni Sean.
Masasabing sanay na si Sean sa mga sexy and daring scene, hubad kung hubad kaya walang nagiging problema sa kanya ang mga direktor niya. Pero may isang pangkaraniwang eksena ang ginawa ni Sean sa “Island of Desire” na nakatikim siyang mabulyawan ng magaling na direktor.
“Sa totoo lang, at this point na ang dami ko nang nagawang bed scenes na iba-iba ang kapareha ko, hindi na ako sa ganoong mga eksena ng hubaran nahihirapan. Sa ‘Island of Desire’, bilang driver ng motorsiklo, ang pinakamahirap na pinagawa sa akin ay i-drive yung motor na lumang ipinagagamit sa akin.
“Dahil luma na nga, kung minsan, ayaw umandar, antagal bago mag-start, kaya ako ang napapagalitan ni Direk Joel Lamangan kahit yung motor ang may kasalanan,” dagdag na say ni Sean.