Advertisers

Advertisers

Higit 200K dumalo sa people’s rally ni Leni sa Batangas

0 338

Advertisers

PATUNAY na palakas nang palakas ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo para maging susunod na Pangulo ng Pilipinas, nakuha niya ang suporta ng mga pinakamalalaki at respetadong opisyal ng Surigao del Sur.

Inanunsyo nina Surigao del Sur 2nd District Congressman Johnny Pimentel at CWS Partylist Representative Romeo Momo, na tubong Surigao del Sur, at 17 kandidato pagka-mayor sa probinsya ang kanilang suporta para kay Robredo.

Ang kasunduan na suportahan si Robredo sa pagka-Pangulo ay naganap sa isang konsultasyon ng partido nilang Hugpong Surigao nuong April 29 na ginanap sa Tandag City.



Kasama sa mga mayor na nag-endorso kay Robredo sa pagka-Pangulo ay sina reelectionist Bislig City Mayor Florencio Garay at dating congressman Philip Pichay na tumatakbong mayor ng Cantilan.

Si Tandag City Mayor Roxanne Pimentel ay nagpahayag na rin ng suporta para kay Robredo.



Nagpalabas ng isang maikling video sina Congressman Pimentel, Momo, at ang mga mayor na ineendorso si Robredo.

Dumalo sa Hugpong Surigao Assembly si Agusan del Sur 2nd District Congressman Eddie Bong Plaza para makiisa sa mga lider ng Surigao del Sur.



Nauna na rin nagpahayag ng suporta para kay Robredo sina Agusan del Sur 1st District Congressman Alfel Bascug, Agusan del Sur Governor Santi Canti at 14 kandidato pagka-mayor sa probinsya.

Nangako ang grupo nina Congressman Pimentel na susuportahan nila ang grand people’s rally para kay Robredo sa darating na May 5 sa Prosperidad, Agusan del Sur.

Nuong Sabado, April 30, nagpakitang gilas ang Batangas sa kanilang “Barako para kay Leni-Kiko” grand people’s rally na ginanap sa Bauan: higit sa 280,000 katao ang dumalo sa rally na ito.

Dito ay inendorso ni Batangas 2nd District Congressman Raneo “Ranie” Abu si Robredo.

Sa kanyang pagpapakilala kay Robredo sa entablado, pinaalala ni Abu sa kanyang mga kababayang Batangueño na may kasabihan sila na “maubos na ang yaman, ‘wag lang ang yabang.”

“Pero ngayong gabing ito, hindi yabang ang dami ng Batangueño para kay Leni Robredo!,” sabi ni Abu. “Ngayong gabing ito, hindi yabang ang mga naniniwala sa isang gobyernong tapat at sa isang gobyernong masasandigan ng bawat isang Batangueño. Isang gobyerno na magbibigay liwanag sa kadiliman na nangyayari sa ating bansa ngayon na dulot ng sari-saring problema.”
“Batangueño, ito ang gabi na ang bawat isa sa atin ang magsisindi ng ningas, ningas na magbibigay ng liwanag hindi lang sa Batangas, kung hindi sa buong Pilipinas,” ani Abu. “Ito ang gusto ko, Leni Robredo!”

Bukod pa sa pagdalo sa malaking rally sa Bauan ay nakipagpulong si Robredo sa mga lider at representative ng iba’t ibang sektor tulad ng labor unions, MSMEs, solo parents, mga mangingisda at magsasaka sa Nasugbu, Batangas.

“Gusto po namin sa inyong iparamdam kung anong klase ang aming magiging pamahalaan. Isang pamahalaan na ang gobyerno ang lumalapit sa tao,” ani Robredo.
“’Pag ang mga lingkod bayan nararamdaman ‘yung kahirapan na pinagdadaanan ng ating mga kababayan, mas mahusay ’yung kanilang pamumuno,” dagdag niya.
Sa huling linggo bago ang May 9 presidential elections ay raratsada ng kampanya si Robredo sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Pupunta siya sa Norte, ang sinasabing balwarte ng kanyang katunggali, ang anak ng diktador na si Ferdinand Marcos, Sr., pero malakas dito ang mga supporters at volunteers ni Robredo at talagang siya ay kinakampanya.

Inaasahan din na pupunta si Robredo sa ibang bahagi ng Visayas, Mindanao, at ang kanyang balwarte na Bicol sa mga darating na mga araw na magtatapos sa isang miting de avance.

Magkakaroon din ng miting de avance sa National Capital Region (NCR) sa May 7, ang huling araw ng kampanya bago ang May 9 presidential elections.

Iaanunsyo pa lamang ng campaign headquarters ni Robredo kung saan gaganapin ang NCR miting de avance.